CHAPTER FOUR:
THE FAVOR
ALDRIN (POV)
“What?!” gulat na gulat kong tanong sa pabor na hinihingi sa akin ng babaeng ito. Hindi ko akalaing matatagpuan niya pa ako. Masyado naman yatang maliit ang mundo para sa aming dalawa.
“Uulitin ko pa? Sure ka? Nakakahiya na nga eh.” she replied sarcastically. I can’t help but notice kung gaano siya ka-cute pagmasdan kapag namimilosopo siya.
“Nahihiya ka? Sa lagay na yan ay nahihiya ka pa?” tumataas ang presyon ko sa kanya. For the very first time yata at maha-highblood ako.
FLASHBACK
ERAH ALERIE (POV)
…..
Napasinghap si Cleo sa ginawang pag-angkin ni Arman sa kanyang p********e. Madiin ang pagkakapasok nito roon. Ramdam niya rin ang laki niyon. Pinagpala ang lalaki sa kanyang p*********i. Hindi siya nagkamali sa ginawang pagbabaubaya ng kanyang pagkabirhen sa nobyo. Walang makapapantay sa ligayang nararamdaman niya. Nasa rurok siya ng kaligayahan ngayon. Kahit na mamaya alam niyang pagkatapos ng panandaliang kaligayahan nito ay iiwan din siya ng nobyo. Kabit. Iyan pa rin naman ang tunay na papel niya sa nobyo dahil may asawa na ito.
Sa ngayon ang sakit ng katotohanang iyon ay hindi niya muna iindahin. Mas gusto niyang lasapin ang sakit na sinamahan ng kakaibang sarap. Iyon ay nadarama niya sa bawat pagbayo ng nobyo sa kanyang loob.
Napapangisi siya sa tuwing babalya sa kanyang ibabaw si Arman. Sinasabayan iyon ng mala-koro nilang pag-ungol. Kitang-kita niya ang reaksyon sa mukha ng nobyo. Napakagwapo nito kahit saang anggulo pa tingnan. Those black velvet eyes and manly face made her fall for him. Kahit maging mistress ay tinanggap niya para sa mga mata at mukhang iyon. Hinahalina siya ng pisika na anyo ng lalaki. Idagdag pa ang mabulaklak nitong pananalita kaya naman nadaan siya sa matinding pambobola.
Naisip ni Cleo. Kailan kaya sya magising sa katotohanan? Sana’y pagkatapos putukan ang kanyang nobyo ay nasabugan na rin ang kanyang puso’t isipan. Sana.
…..
“Napaka-dramatic naman neto! Hindi ako nadala ng bed scene nila. Nadala ako sa kwento. Hay wala yata talagang effect sa akin ang panonood lang. Two weeks? Sayang naman lahat ng pinagharapan ko para lang mapakiusapan si Boss Leo kahit hindi naman talaga ako nahirapan. Sayang yung planong pabagsakin ang ama ko. Sayang yung ganda ko. Ito na yung best na plano eh. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral kaya naman mahihirapan ako na ipamukha sa ama ko ang mga pagkakamali niya. Hindi ako basta-basta makakalapit sa kanya kung hindi ako magiging mahagi ng showbiz.”
Pinatay ko ang tv saka ko kinausap ang sarili ko. Problema ko ngayon kung paano ako makakapasok sa showbiz. May mga agency naman. Sumali kaya ako sa next season ng PBB o Starstruck? Hindi naman pwede sa The Voice dahil hindi ako singer. Hindi rin pala ako pwede sa dancing. Acting lang talaga ang talent ko. Kaya lang sa dami ng magagaling na artsita ngayon ay hindi ako agad mapapansin. Hindi ko mayayanig ang mundo ng aking ama. Isang matinding bomba indie film ang paraan para mapansin ako kaagad. Iyon ang mundo ng aking ama kaya siguradong kuha ko ang atensyon niya. Iyon nga lang wala akong emosyon at tila hindi ko kayang maghubad. Virgin pa ako! Sa sobrang taray at tapang ko kahit gaano ako kaganda ay walang nagtangkang manligaw sa akin.
“Talagang isa-sacrifice ko ang virginity ko para sa aking paghihiganti?” tanong ko sa sarili habang nakasalumbaba.
Tama naman si Ven. Kung ipapaubaya ko ang p********e ko dun na sa lalaking kapauba-ubaya na. Hindi naman ako magpapabuntis dahil hindi na ako makakagawa ng pelikula kapag nagkataon. Kailangan ko lang talagang matuto pagdating sa tamang emosyon sa kama. Sana naman ay matutunan ko na kapag nakipagtalik na ako. Si gwapo talaga. Si Aldrin Cortez ang tamang lalaki para sa misyon na ito. Kalaban niya rin sa negosyo ang kapatid ko. Baka sakaling maging dahilan iyon upang mapapayag ko siya.
Pagpihit ko sa pagkakaupo sa aking kama ay sumagi sa aking paningin ang litrato namin ni Nanay. Masaya kaming nakangiti sa litratong iyon. Mabilis bumalik ang mga alaala noong nabubuhay pa siya. Lalo ring nabuhay ang pagnanais ko maiganti siya laban sa aking ama. Sa isang banda ay napagtanto ko ang isang bagay. Itutulad ko ba ang sarili ko sa kanya? Kung m************k ako sa isang lalaki na hindi ko naman mahal ay tila wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Parang binenta at pinaubaya ko na rin sa iba ang katawan ko. Masakit mang isipin pero mababang uri na rin ako ng babae. Pokpok. Bayaran. Alam kong ayaw mangyari sa akin ni Nanay yon. Alam kong hindi niya magugustuhan yon.
“May iba pa naman sigurong paraan.”
Dalawang araw kaagad ang mabilis na lumipas. Takte! Wala akong maisip na ibang paraan. Laging may pag-aalinlangan.
“Confront your father na kasi. Mag-usap kayo bilang mag-ama. Sabihin mo ang pinagdaanan ng nanay mo noon. Pakinggan mo naman ang kwento niya. Baka sakaling maayos niyo ang lahat.” Napakabait na suggestion ni Kim. Hiyang-hiya naman ako sa best friend kong ito. High school teacher siya at napakabait kaya ganyan. Hindi ko pa nga rin mapagtanto kung paano kami naging magkaibigan eh. Basta masaya ako dahil mayroon pa rin akong konsensya na nabubuhay sa kanya.
“Thank you sa napakagandang suggestion na yan Kim. Pero alam mo kung gaano ako kagalit sa ama ko. Yung paghihirap ng Nanay, dapat maramdaman niya. Hindi ganon kadali ang isang mabuting usapan dito. Try mo naman akong isipan ng bad idea. Maiba naman ang iniisip mo.” Tugon ko sa kanya. Nandito kami sa kwarto ko. Kagagaling niya sa school. Hinihintay naman naming matapos maligo si Ven. Graveyard shift yun mamaya dahil sa call center nagtatrabaho.
“Edi ibahin ko nalang. Makipag-usap ka sa press. Sumugod ka sa kung nasaan siya naroon. Ibulgar mo ang ginawa niya kay Tita. Ganon. Para tapos na! Para magkaalaman na. Nasiraan mo na siya. Nakapaghiganti ka na.” nakakapag-isip naman pala siya ng masama eh. Iyon nga lang masyadong pangmabait pa rin yun.
“Baka ako pa ang mapahiya dun eh.” pagkontra ko. “Siguradong pagtatakpan niya lang ang mag pagkakamali niya. Ide-deny niya lang ako. Ako pa ang mapapasama. Kailangan makuha ko muna ang tiwala ng press. Kailangan maging kilalang star muna ako. Kailangan mapansin muna nila ako.” pagpapatuloy ko.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Kaya nga mag-bold star ka na friend!” bulalas ni Ven.
“Tse! Ikaw naman ang mag-isip ng ibang paraan! Paano ako makakaganti sa ama ko?” siya naman ang kukulitin ko ngayon.
“Surrender your virginity na kasi. Find a perfect guy para hindi ka talo. Maganda ka naman! Hindi ka mahihirapang makahanap ng lalaking kukuha sa virginity mo. Naku i-tweet mo yan baka magulat ka sa haba ng mag-reply sa tweet mo para lang makapag-apply.” Talagang pinipilit pa rin niya ang kanyang suggestion.
“Hindi ko nga talaga kaya. Paano na si Nanay? Kung nabubuhay siya, ano nalang ang inisip niya. Alam kong hindi niya yun magugustuhan.” Nanlulumong tugon ko.
“Friend. Ginagalang ko si Tita as in ever! Pero tingnan mo ginamit niya ang s*x para makalimot. Hindi ba pwedeng ganun nalang din ang maging tingin mo? Use s*x just to tsorba your revenge. Alisin mo yung emosyon. Tanong lang yan ah. Naisip ko lang.” nilapit pa talaga ni Ven ang mukha niya sa mukha ko. Kadiri.
“Parang ikaw ang guardian devil ko sa part na yan. Una iba kami ni Nanay. Ayoko nga sa ginagawa niya noon eh dahil mali yun. Kaya nga ako nagalit sa ama ko eh dahil nagawa yun ni Nanay. Isa pa sa factor na kinonsider ko rin dito ay gusto ko pa ring yung lalaking pagbibigyan ko ng p********e ko ay yung lalaking mahal ko. Ayokong isuko ang Bataan sa maling tao.” pagtatapat ko sa kanila.
“Waley na ako magagawa pa dyan friend. Alam mo naman ako wild ang imagination pati ang suggestions. Kasi naman hanggang imagination nalang eh. Wala na rin akong maisip na ibang paraan. Pasenya ka na.” umupo na rin si Ven sa kamay. Pinagitnaan nila ako ni Kim. Pare-pareho kaming nakatingin sa kisame.
Naagaw lang ang atensyon ko ng biglang tumunog ang phone ko. May nag-text. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot kong shorts saka binasa ang text.
FROM: BOSS LEO
ERAH! DALIAN MONG HUGUTIN YANG EMOSYON MO! ANG AMA MO! MAGRE-RELEASE NG INDIE FILM NA SUPER BOLD! HE HELD A PRESSCON THIS AFTERNOON AT INANUNSYO NIYA YAN! BUBUHAYIN NIYA RAW ANG BOLD MOVIES SA INDIE NIYA! PATAY NA! NAAMOY NIYA ANG PLANO KO! KAPAG HINDI KA PA NAGMADALI AY WALA KA NG CHANCE NA MAKAPAGHIGANTI PA! MAY ARTICLE SA LATEST ISSUE NG SHOWBIZ MAGAZINE BASAHIN MO BAKA SAKALING MAKATULONG SAYO!
Litanya ni Boss Leo. Pagpasok ni Ven at pagkahatid ko kay Kim ay kaagad akong bumili ng showbiz magazine. Feautured ang magaling kong ama sa isang article.
THE BEST IN SEXY AND INDIE FILMS… VERY KIND… VERY HUMBLE… VERY GENEROUS… STARMAKER… SENANDO AGUILAR…
Hindi ako makapaniwala sa mga ginamit na salita. Nakakaintindi ako ng English at halos masuka ako sa mga ginamit na salita upang ilarawan ang hayop kong ama. Nakakainis pang malaman na lalo siyang nagiging matagumpay sa buhay niya. Ang cosmetic company na binuksan niya ay lumalaki na. Nawala man ang bold movies ay bubuhayin niya pa rin. Sikat ang film outfit niya. Parang hindi na nga indie film ang ginagawa niya dahil critically acclaimed at pinapanuod naman ang mga pelikula niya.
Nakakainis! Hindi naman nila kilala ang taong pinupuri at hinahangaan nila!
Ayoko na sanang ituloy pa ang binabasa ko pero napunta sa mas interesanteng paksa ang interview. Dahil nga sa kilala raw siyang bold movie producer noon ay nagawa raw ba niyang mambabae?
NO. I’M VERY LOYAL TO MY WIFE. KAHIT NA NGAYONG BIYUDO NA AKO. MAY MGA BABAE AKONG BINOLA NOON PERO HANGGANG BOLA LANG YUN. MABABA ANG TINGIN KO SA MGA BABAENG NAKIKIAPID.
Sa nabasa ko ay napunit ko ang pahinang iyon ng magazine. Mababa ang tingin niya sa babaeng nakikiapid? Kung tutuusin at kung iisipin ay kabit niya si Nanay dahil mas matanda ang kapatid ko at ka-edad ko naman ang isa pa. Paano niya nagagawang sabihin iyon? Naisip man lang ba niya si Nanay sa sinabi niya? Alam niya kayang nagkaanak sila? Ano ba talagang kwento nila?
Nabuhay na naman ang pagnanasa kong malaman ang lahat. Umigting na naman ang galit sa puso ko. Kikilalanin kita Senando Aguilar. Papatunayan ko sa lahat na masama ka. Higit sa lahat ay ipaghihiganti ko ang Nanay ko. Magbabayad ka. Ang babaeng mababa ang tingin mo ay hindi mo alam ang naging paghihirap noong iwan mo. Hayop ka!
Sa pagkakataong iyon ay nagbago na ang isip ko. Handa na ako. Hahanapin ko na ang lalaking magtuturo sa akin kung paano makipagtalik. Kailangang maging perfect ang movie na gagawin ko. Kailangang maging kontrobersyal yon at makikilala ako. Kailangang masabi ko na sayo Aldrin Cortez ang pabor na hihilingin ko.
Ilang taon na rin naman ang lumipas. Not so squatter area na itong lugar namin dito sa Balintawak. Matitino na ang mga bahay. Ito ngang kapitbahay namin ay may wifi connection na eh. Mabuting kapitbahay pa dahil walang password ang wifi. Heto nakiki-connect ako. May pinaglumaan kasing smartphone si Ven kaya binigay nalang sa akin.
Nag-search ako tungkol kay Aldrin. Hindi naman ako nahirapan. Mayaman pala talaga siya. Pero napaka-photogenic niya sa picture niya na nakita ko. Pormal pero nangingibabaw pa rin ang pagiging magandang lalaki niya. Pakay ko ang address ng kanyang kumpanya at hindi para silayan siya. May kakaiba kasi talaga kahit nang makita ko lang ang picture niya. Ayoko nalang isipin pa.
Wala na akong oras. Umaandar ang mga araw. Kinabukasan ay pumunta ako kaagad sa address na nakita ko.
Pagpasok sa napakagarang lobby ng sariling building ng C-Cosmetics ay tinanong ko kagaad sa receptionist ang office ng kanilang boss.
“Kung wala po kayong appointment Mam ay hindi po kayo pwedeng makausap ng boss ko. Masyado po siyang maraming ginagawa lalo po’t kagagaling niya lang sa bakasyon.” Tugon sa akin ng receptionist. Tinaasan ko siya kaagad ng kilay.
“Sabihin mo ay ako ang babaeng pinangakuan niya ng pabor! Tawagan mo uli!” pagtataas ko ng boses sa babae.
Dali-dali naman niyang kinuha ang telepono at nag-dial.
“Hindi niya raw po kayo kilala Mam.” Sabi naman niya pagkababa ng telepono.
Napamasahe tuloy ako ng sintido. “Aba naman sa lalaking yan! Biglang hindi na niya ako kilala! Sabihin mo sa kanya manggugulo at eskandalo ako rito! Sasabihin ko rin sa lahat kung ano ang pinapanood niya sa FX!” mabilis akong umisip ng dahilan upang harapin ako ni Aldrin.
Kinausap na naman siya ng babae.
“Sa elevator po sa kanan Mam. Pagpasok niyo po ay pakipindot nalang po ang letter P. Kakausapin na raw po kayo ni Sir.” Napangiti ako sa sinabing iyon ng babae matapos muling kausapin si Aldrin.
Pagdating ko sa penthouse ng building ay tumambad sa akin ang isang napakagarang opisina. Mamahalin lahat ng gamit. Parang sala lang ng isang mansyon. Mula sa napakagandang chandelier hanggang sa napakasopistikadong tiles. Isama pa ang mga mwebles at paintings na parang ang mamahal. Napakaluwang. Parang buong penthouse ng building ay opisina niya lang. Nagawi ang tingin ko sa kanan. May isang kwarto na hindi ko alam kung ano. Sa kaliwa ay mayroon din.
“Sa kanan comfort room. Sa kaliwa kitchen. May secret passage pa sa kitchen papasok sa isang kwarto na tulugan ko kapag marami akong tinatapos na gawain.” Isang tinig ang biglang nagsalita.
Masyado akong namangha sa lugar hindi ko napansing ang sadya ko ay nasa pinkagitna lang pala. Nasa harap ng table niya habang nakaupo sa shivel chair si Aldrin. Ginagalaw-galaw niya iyon.
“Nandito ako para sa pabor ko.” Agad kong sambit sa kanya. Walang pagkurap at diretso sa kanyang mga mata.
“So tell me. What’s your favor that you’re going to ask?” tanong niya.
“Have s*x with me. Turuan mo naman akong makipagtalik.”
END OF FLASHBACK