CHAPTER THIRTY NINE NOW THAT YOU'RE GONE ERAH ALERIE (POV) Umuwi pa rin ako sa unit na pinahiram sa akin ni tita Alicia. No choice eh. Alangan naman sa unit na si Boss Leo naman ang nagbigay ako pumunta. Bad shots ako dun lalo na kapag lumabas na ang paglipat ko sa film outfit ng aking ama. "Babae ka san ka galing? Pinapunta mo kami ni nanay dito at pinag-alsabalutan mo kami dun sa dating unit tapos wala ka rito!" Bungad sa akin ni Ven. Pero wala ako sa mood para magpaliwanag sa kanya. Namumugto pa ang mga mata ko. Buong byahe ko ay umiiyak ako. "Anong pwedeng kainin?" Walang emosyon kong tanong. "May itlog pula ba dyan?" "Nagluto ako ng sinigang Erah. Paghain kita." Si tita Lilian ang sumagot. "Ako na po tita." Dumiretso ako sa kusina. Agad kong binuksan ang kaldero na nasa kalan.

