CHAPTER TWENTY TWO Apology ERAH ALERIE (POV) “Tapos na ang kiss ko sayo Hon. Pwede ka ng kumain ulit.” Sambit ni Aldrin habang mahinahong naghihiwa ng ham na nasa plato niya. Ako kasi nakatulala pa habang parang bitin na bitin sa kiss namin. Bigla tuloy akong nagising mula sa isang masarap, napakasarap na panaginip. Nakakainis! Naguguluhan na talaga ako sa isipan ko. I hate him pero bakit nag-eenjoy ako sa mga ginagawa niya? Pero syempre pa hindi ko na naman ipapahalata na nag-enjoy ako. “Feeling mo ah!” saka ako kumagat ng ubod ng laki sa hawak kong pwet ng manok. “Na-gugu-tom lang a-ko kaya hin-di kita maganti-han. Pinag-sasamanta-lahan mo ang labi ko. Hin-di mo a-ko girl-friend ah! Ta-pos na ang kahi-bangang kasun-duan natin noong ini-wan mo ako sa ere!” putul-putol ang mga sinabi k

