CHAPTER NINETEEN Seeing You Again ERAH ALERIE (POV) Siya ba talaga ang lalaking yon? Aldrin? Tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama ba ang nakikita ko o baka naman aparisyon lang ng gago at paasang lalaking yon. Pero hindi aparisyon ang nakikita ko. Hindi rin hologram effect ng ibang pelikula na may maaksyong eksena. Si Aldrin talaga ang nagpapakawala ng suntok na iyon na binibigay sa manyak na lalaki na sumigaw ng nakakabastos sa akin. “Aldrin.” Nasambit ko ang kanyang pangalan. Naramdaman ko nalang ang paghawak ng kamay sa akin ni Boss Leo. Dahil sa nangyayaring komosyon ay ilalabas na nila kami sa loob ng sinehan. May mga pumasok na rin na mga security guard. Dagli nakipagsiksikan si Ven upang makatabi sa akin habang palabas na kami. “Friend! Si Aldrin Pogi yon di ba? Anes an

