Naiinis na ini-off ni Rita ang flat screen T.V at hinitsa sa sofa ang remote control. Pasado alas tres na ng hapon ay hindi pa rin dumarating sa si Arman. Nagpaalam ito kanina sa kanya na may mahalagang lalakarin at baka gabihin na raw ito nang uwi. Naglalaro sa isip niya kung saan naman kaya nagpunta ang lalaki na iyon. Habang nasa loob ito ng banyo at naliligo ay nainganyo siya na silipin ang cell phone nito, nang marinig niya na tumunog ito. Napaisip siya kung bakit napapadalas ang pakikipag-usap nito sa cassy na iyon. Gusto sana niya bisitahin ang phone ng lalaki ngunit nawalan na siya ng pagkakataon nang biglang bumukas ang pinto. Lumabas roon si Arman na nakatapis ng tuwalya at mabilis na dinampot ang phone nito. Tumaas ang kilay niya sa ginawa na iyon ng lalaki, na animo ba'y may in

