"Ano masakit ba talaga? 'to naman oh, ayaw mag kwento! Sige na, magkwento ka na. Totoo ba 'yong sinasabi nila na pag first time e, may ano?" patuloy na pangungulit pa rin ni Charlotte kay Rita. Pulang-pula naman ang pisngi ni Rita sa sobrang hiya sa pangungulit na iyon ng kaibigan. Natapos na't lahat-lahat ang mga subjects nila ng araw na iyon, ay hindi pa rin ito tapos na kulitin siya sa mga nakakahiya at nakakaloka na mga tanong nito sa kanya. "May ano?" salubong ang kilay at nakatulis ang nguso na maang tanong niya sa kaibigan. Ngumisi ito sa kanya. "Pero masakit talaga 'di ba?" nakukulitan na tumango-tango siya sa kausap. "Oo nga masakit, ang kulit mo! ulit-ulit? unli?" papilosopo na wika niya. Inayos niya ang naka sabog na mahabang buhok, at itinali iyon. Hindi niya namalayan na

