“Oh, Rita, hija, bakit salubong ang kilay mo?” Tanong ni Aling Rosy sa kadarating lang na si Rita, nang mapansin nito ang hindi maipintang mukha ng dalaga. “Eh, paano naman po Aling Rosy, nagpagod-pagod pa ako na pumunta roon eh, wala naman po pa lang sakit si Sir Arman,” maktol na sagot ni Rita sa ginang. “Kung ganoon wala naman pa lang sakit si Sir Arman edi mabuti ‘di ba? Bakit ka na gagalit sa kanya?” “Sino ba naman po ba kasi, ang hindi mababad trip, nagmamadali pa ‘kong pumuntan doon, eh, may kasama naman pa lang babae,” nayayamot pa rin na reklamo niya sa kausap. Tumawa ng marahan ang ginang. “Ikaw talagang bata ka, oh, baka naman bisita lang n’ya ‘yon, marahil dinalaw si Sir Arman dahil nga may sakit,” paliwanag ni Aling Rosy sa kanya, upang kahit paano ay maibsan ang init ng u

