Masuyo na humalik si Arman sa lantad na balikat ni Rita. "I think you need to dress, bago ko pa gawin ngayon sa 'yo 'yung bagay na pilit mong hinihiling sa 'kin kagabi," pilyo na sabi niya sa dalaga. Napaangat ng mukha si Rita at may pagtataka na tumingin sa kanya. "Ano'ng sabi mo?" Marahan na tumawa si Arman. "Ang sabi ko magbihis ka na, at baka ikaw pa ang almusalin ko—Aww!" kinurot siya ni Rita sa tagiliran. "Arman!" "I'm just kidding," tumayo si Arman at lumakad patungo sa closet, pagbalik nito ay may dala na itong pamalit ni Rita. "Here," inabot niya iyon sa dalaga at ngumisi. "Gusto mo ba na ako na magsuot sa 'yo niyan, tutal ako naman ang naghubad ng damit mo kagabi—" "No! kaya ko na," putol na sagot ni Rita sa kanya. Kinuha nito ang pares ng damit na hawak ng lalaki. "Bakit

