"Di ba ang sabi ko sa 'yo hintayin mo lang ako roon?" mariing tanong ni Arman sa dalaga na halos hindi maipinta ang mukha dala ng pinaghalong sama ng loob at galit sa manlolokong kasintahan. "Kung hindi kita kaagad na sundan, panigurado na gumawa ka na ng eksina sa harapan ng mga 'yon, hindi mo sila deserve Rita, at lalong-lalo na ang lokong lalaking 'yon, hindi kan'ya deserve, kaya kung ako sa 'yo kalimutan mo na ang lalaki na 'yon," patuloy na wika niya, sa tahimik na si Rita. Hinawakan niya ito sa kamay at nagpatiuan papunta sa table na hanap niya kanina. Pinaghila niya ng upuan si Rita at pinaupo roon.
"Salamat po Sir," nahihiya na pasasalamat ni Rita sa lalaki. Kahit na masama ang loob niya sa damuho niyang manloloko na kasintahan. Napakoslot siya, nang gawin iyon sa kanya ni Arman. Iyon ang unang beses na pinaghila siya ng ibang lalaki ng silya, tuloy ay pakiramdam niya ay isa na siyang ganap na babae, at ang lakas makahaba ng hair pati. Tumingin siya sa kasama na humila ng upuan at umupo sa harapan niya. Napapaisip siya kung bakit sa dinamirani ng tao na aksidente pa niyang makikita ay ito pa. Pero na isip niya, siguro ay ito ang angel na pinadala ni Lord sa kanya, upang tulungan siya sa probelam niya. At iyon na nga ang nangyari, binihisan at tinulungan siya nito na maging kaaya-aya sa paningin ng ahas niyang kaibaigan at maharot na dating nobyo. Walang hiya na iyon! kaya pala pilit na gustong may mangyari sa kanila sa tuwing ipinapasok siya nito sa hotel. Ano ang tingin nito sa kanya babaeng easy to get? Oo sumasama siya rito sa tuwing naglalambing ito na kailangan siya nito. Iyon naman pala ibang pangangailangan ang kailangan nito sa kanya. Mabuti na lang talaga at hindi niya ito pinagbibigyan. Kung nagkataon pala na nagpadala siya sa mga mabubulaklak na sinasabi nito sa kanya, ay baka nagpupunas siya ng luha ng mga sandaling iyon. Tapos, kung hindi ba naman tarantado ang ex boyfriend niya na iyon. Tinitiman na pala ang best friend niya, aba'y pati siya, gusto pa nitong tokman? Ano siya sinuswerte?
"Don't look at me that way, I am not your enmy," biro na sita ni Arman sa dalaga, na kanina pa nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya. Hindi naman siya ang kaaway nito, at lalong-lalo na hindi niya kamukha ang Jerome na iyon, 'no. Kaya bakit ito ganoon kasama kung tumingin sa kanya? Ang layo kaya ng pagmumukha ng lalaki na iyon kumpara sa pagmumukha niya. Mukha itong ewan, at siya ay mukhang. . . napaisip siya sa kung anong magandang iduduktong sa sasabihin sa sarili. Yes, gwapo siya at matinik sa babae, at alam na niya iyon, and proud siya roon. Anak ng pusa, proud pa talaga siya sa pagiging matinik niya sa babae? Kung sa pagiging mabait naman? he doubt, parang wala pang nagsasabi sa kanya ng kataga na iyon. A Good business man, pwede pa siguro.
"Ay, sorry po Sir, hindi ko po sinasadya, may naalala lang po kasi ako," paghingi ni Rita ng paumanhin sa binata. Hindi niya napansin na tinititigan na pala niya ito ng masama. Habang naalala niya ang mga pinaggagawa sa kanya ng Jerome na iyon.