Halos paliparin ni Arman ang minamanehong sasakyan papunta sa rest house nila sa laguna. Bakit nga ba hindi man lang sumagi sa isip niya na may possibility na doon itatago ng ate niya ang mag-ina niya. Nang malaman niya buhat sa pamangkin niya na nasa laguna si Rita ay dali-dali itong umuwi sa condo at naligo. Ayaw naman niya na humarap nang ganoon ang itsura niya. Mabilis niya na pinarada ang kotse at nagmamadali na bumaba roon. Naningkit ang mga mata niya sa sumalubong sa kanya roon. Madilim niyang tinapunan nang nakamamatay na tingin ang kamay ni Ruben na nakahawak sa braso ni Rita. Nanlaki naman ang mga mata ni Rita sa pagkabigla nang makita roon ang lalaki. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya at maging ang bata sa loob ng tiyan niya ay waring nagdidiwang sa tuwa sa pagdating ng ama

