Halos isang oras na ang nakalipas matapos pumasok si Rita sa malaking gate sa bahay ng kaibigan ni Arman na si Roldan. Pero hindi pa rin niya magawang paandarin palayo sa lugar na iyon ang sasakyan niya. Nakatulala lang ito na nakatingin sa gate habang iniisip niya kung paano mapapasakamay at mapapaibig si Rita. Pakiramdam niya ay mas madali pang mangligaw ng mga investors sa business niya kesa ang makuha ang babae na halos kalahati ang layo ng edad sa kanya. Doon pa lang ay mahihirapan na siyang umisip ng paraan kung paano niya sisimulan at isasagawa ang plano niya. Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Arman saka muling sumulyap sa orasang pang bisig. Kaagad nito na binuhay ang makina ng sasakyan ng makita ang oras, hindi na niya na pansin na pasado alas-tres na pala ng madaling a

