Sandali sino ba kayo? Saan n'yo ako dadalhin? Tulong! Tulungan n'yo ko!" Nagpupumiglas na sigaw ni Maureen sa dalawang lalaki na bigla na lang humila sa kanya papasok sa loob ng itim na van. "Sino ba kayo? Bakit n'yo 'to ginagawa sa akin? I am nobody kaya wala kayong makukuha sa akin! So please let me go!" Sigaw niya muli habang nagpupumiglas. "Pwede ba tumigil ka nga sa kakasigaw mo! Naiirita na ako bunganga mo!" Singhal sa kanya ng isang lalaki at tinutukan pa siya ng baril. "Teka, pre. 'Wag kang magpadala ng init ng ulo mo. Kabilin bilinan ni boss na hindi dapat magalusan ang babae na 'to, kaya relax ka lang pre para hindi tayo putakan ni boss," Sabat naman ng isa pang lalaki at hinawi ang baril na nakatutok sa mukha ni Maureen. Kumalat ang takot sa buong sistema niya, pag

