"Aray, ko naman, Yhiane! Bakit mo ba ako pinagmamadali maglakad?" reklamo ni Rita kay Yhiane, na halos kaladkarin na siya nito sa paglalakad pabalik sa farm kung nasaan ngayon ang mga magsasaka at si Arman ay nagkakatuwaan at inuman dahil sa masaganang ani ng strawberry. "Basta bilisan mo na lang ang paglalakad kung gusto mo na abutan mo pa ang asawa mo!" makahulugan na sagot ni Yhiane sa kanya. Nang makarating sila sa farm ay biglang nagsalubong ang kilay ni Rita at naningkit ang mga mata niya sa naabutan roon. "Oh, 'di ba sabi ko sa 'yo bilisan mo dahil may gustong lumandi kay kuya Arman," turo ni Yhiane sa anak ng isang magsasaka na panay pa cute sa binata. "Ano pang hinihintay mo? Lapitan mo na ang asawa mo! bahala ka baka maagaw pa sa 'yo ng iba 'yan," dagdag na sabi pa ni Yhiane

