"We're here!" Anunsyo ni Arman, nang makarating sila sa boutique shop na pag-aari ng isa sa mga naging ex-girlfriend nito.
"Ano po ang gagawin natin dito sir, Arman?” Nagtataka na tanong ni Rita sa lalaki, kung bakit siya nito dinala roon.
"Di’ba ang sabi mo mag-kasama sa loob ng bar ngayon ang boyfriend mo at ang best friend mo? And someone told you that they were cheating on you.”
"Opo. Pero hindi pa naman ako sure kung totoo nga.” Tinangal ni Arman ang seatbelt ni Rita.
"Then that's the reason why we are here, You can't face them with your sleepwear outfit. You have to be more Gorgeous in front of them, and in that way. You can get even and prove to your jerk boyfriend how stupid he was by cheating you.”
Napa-isip si Rita sa sinabi ni Arman.Tama, tama nga ito. kailangan niya na ipamukha sa damuho niyang nobyo na di hamak naman na mas maganda siya kaysa sa ahas niya na kaibigan! “tama!” Nakataas ang isang kilay na sang-ayon niya sa sinabi ng lalaki.
Ngumiti si Arman. “Good! That’s my girl. Pero hindi libre 'to ha, wala nang libre sa panahon ngayon.” Biro na sabi ni Arman.
Pinanglakihan ni Rita si Arman ng mata.“Po? Pero wala po 'kong pera sir,” pag amin nito na wala siyang maibabayad sa lalaki.
Malakas na humalakhak si Arman nang makita ang mukha ni Rita na nagulat sa sinabi nito. “Don't worry it's a joke! Sige na bumababa na tayo para makabalik din tayo ka agad sa bar.”
Naka-hinga ng maluwag si Rita ng marinig ang sinabi ni Arman. Nang makababa sila sa kotse ay agad na may lumapit sa kanila na sexy at magandang babae, ngumiti ito kay Arman at humalik sa pisngi ng lalaki.
“So, anong meron at napadalaw ka rito, huh?” Anang babae at ikinawit ang kamay sa braso ni Arman, nag patay malisya si Rita sa kinilos ng babae.
“I need you.” Diretsong sagot ni Arman sa babae.
“You need me?” Hindi makapaniwala na sabi ng babae at pinamulahan ito ng mukha.
“Of course! Anything for you. I'm always here for you, alam mo ‘yan.” Kumikislap ang mga mata na dagdag na sabi ng babae.
“I need you to fix her,” ani Arman sa babae. Tinignan si Rita ng babae mula ulo hanggang paa na tila ini-examine ito.
“She needs clothes for a bar party, can you help her to be the most beautiful girl tonight?” He added.
Saglit na nag-isip ang babae. At hindi ito nakapag-salita ka agad.
“Oh. I forgot to introduce her, by the way she's my cousin, Rita,” pakilala ni Arman kay Rita sa babae. Mabilis na umaliwalas ang mukha ng babae sa sinabi ni Arman. Tumingin si Rita sa lalaki at pinang mulatan ito ng mata. At gustong itanong kung bakit siya nito pinakilala bilang pinsan. Naka-ngiti na lumapit kay Rita ang babae.
“Oh. Hi, Rita, nice to meet you,” anito kasabay nang pag-hawi sa buhok ni Rita na sumabog sa mukha nito.
“H-hello po ate,” asiwa na sagot ni Rita sa babae.
“Oh, dear. Just drop the ‘ate’ call me Jean, ang lakas kasi maka oldy looks ng ate.”
Ngumiti si Rita. “Sige po Jean,”
“Good! Come let's go inside para ma- make over na kita.” Hinila siya ni Jean papasok ng boutique, at agad na sinimulan siyang ayusan nito.
“Alam mo mabuti at sa 'kin ka dinala ng kuya Arman mo. Ang tagal ko nang kilala 'yang pinsan mo na 'yan ni’ isa wala pa 'kong na me-meet na family n'ya, hanggang sa hiniwalayan na lang niya ako.” Panimula na kwento ni Jean habang abala ito sa pagme-make up kay Rita.
“Haisst! Ang gwapo- gwapo kasi ng pinsan mo na 'yan, eh. Kaya marami kaming nagkakandarapa sa kanya,”
“Talaga po?” tila hindi makapaniwala na sagot Rita sa sinabi ni Jean.
“I mean, what do you mean po na marami kayong nag kakandarapa kay sir– sa pinsan ko po?” Muntikan pa sanang mag kamali si Rita sa sasabihin.
“Naku, yes. kung alam mo lang kung gaano kami ka-dami na pinaluha ng pinsan mo,” naka-nguso na tugon ni Jean sa kanya.
“Hmm, eh, bakit naman po ninyo ini-iyakan ang pinsan ko? Ang dami naman pong lalaki d'yan di'ba?”
“Siguro nga maraming lalaki sa mundo, pero... Iba kasi ang pinsan mo, eh. Siya 'yung tipo ng lalaki na ma cha-challenge ka na makuha at pa-ibigan. Yes, people might think that he's too cold at walang pakiramdam sa nararamdaman ng ibang tao. But you know what, he is so gentle man and sweet in his own hard way. Handsome. Powerful, business minded. And most of all he was rough in bed! That's why all women’s dream to have him.”
“Ah, parang hindi naman po ata lahat ng babae eh, mag kakagusto sa pinsan ko na 'yun,” tila hindi sumasang ayon na agaw ni Rita sa nagsasalita na si Jean, na animoy daig pa ang teenager na kinikilig habang ikinukwento ang crush nito.
“But it’s true! Malalaman mo na totoo ang sinasabi ko once na makasama mo sa bar ang pinsan mo." giit naman na sagot ni Jean kay Rita.
“Sa bar po kayo nag ka kilala?” naiintriga na tanong ni Rita.
“Yes. I was very party goer that time, but that was before noong panahon na baliw na baliw pa ‘ko sa pinsan mo, at isa pa wala pa ‘tong business ko. You know what, ang pinsan mo pa ang tumulong sa 'kin na maisakatuparan ko ang boutique shop na 'to kaya nga sobra ko s'yang minahal talaga. I was thought na kami na hanggang sa huli, too sad dahil bigla na lang s'ya nakipag- break-up sa 'kin,” may pait na kwento ni Jean.
“Eh, bakit po nakipag-break ang pinsan ko?” “Hindi naman daw n’ya ‘ko mahal sa simula pa lang, pinag bigyan n'ya lang daw ako. Well. Simula pa lang naman. He became honest to me sa kung ano ang nararamdaman n'ya, at sa kung ano ang mga ayaw at gusto niya. He doesn't like a clingy girlfriend. He doesn't like a girl who always checking on him, where he goes, what he does. All in all he doesn't like a long time relationship. He just get a girl then easily leave it, when his bored. Thankful ako na naging mabait at sweet siya sa 'kin while we were on our relationship”
Napapailing si Rita habang nakikinig sa pagkukwento ni Jean. Hindi siya makapaniwala na may lalaki pala na tulad ni Arman. Sabagay hindi naman mahirap paniwalan ang bagay na iyon. Sa itsura at tindig pa lang ng lalaki ay mababanaag na ang pa giging womanizer nito. At hindi na kataka-taka ang bagay na iyon sa mga lalaki. ‘Di nga ba iyon ang dahilan niya kaya gusto niya na makapasok sa loob ng bar para makita at masaksihan mismo sa mga mata niya ang pagtataksil ng nobyo niya. Parang bumigat rin ang dibdib ni Rita sa pait dahil sa mga narinig buhat kay Jean. Ang mga lalaki talaga. Likas na mga gago! Manliligaw. Manunuyo ng sobra at magpapaka pagod pa bumili ng chocolate at bulaklak, tapos ano? Lolokohin at gagaguhin lang naman pala nila sa huli? Nag pakahirap manligaw tas sasayangin lang din naman nila ang mga pagod nila mapa-sagot lang ng matamis na oo ang nililigawan. Haist! Sumasakit talaga ang ulo niya sa kakaisip, pero isang bagay lang ang pinapanalangin niya. Sana, sana mali ang chismiss na nakarating sa kanya, at sana mali ang woman instinct niya na iyon. Swear hindi niya talaga alam ang gagawin sa oras na mapatunayan nga niya sa mga mata niya na niloloko siya ng kasintahan.
“There, we're done!” Naka ngiti na anunsyo ni Jean sa naka-upo na si Arman sa mahabang sofa sa loob ng botique nito. At lumakad ito palapit sa lalaki.
“Nainip ka ba?” ani Jean kay Arman.
“Nope. Thirty minutes is not bad.” Sagot ni Arman.
“Come on. Dear, pwede ka nang lumabas d'yan," tawag ni Jean kay Rita. At agad naman na lumabas si Rita ng fitting room, na napatayo si Arman sa pagkaka-upo nang makita ang kinalabasan ng make-over ni Jean kay Rita. Halos lumuha ang mga mata nito sa tindi ng paghanga sa taglay na ka- sexy-han at ka akit-akit na si Rita. He can't take his eyes away from her, muli na naman na buhay ang init sa katawan ni Arman katulad noong unang beses niyang nasilayan si Rita. Sa dinami-rami ng mga babae na nagkakandarapa sa kanya, tanging kay Rita lang niya naramdaman na bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito.
“So, what do you think?” Pukaw ni Jean sa na mamangha na si Arman kay Rita.
“H-huh?” Wala sa sarili na sagot ni Arman.
“Ang sabi ko, what do you think? Pasado na ba sa 'yo ang outfit ni Rita. I mean ng pinsan mo.”
“Umm... It's almost perfect, but...”
“What do you mean it's almost perfect, buts? Eh, fit na fit nga sa kanya ang outfit n'ya? Oh.” Giit na sabi ni Jean, at sinalubong nito ang lumalakad na si Rita.
“It's perfect but, her dress is too much daring at her age.”
“Bar party naman ang pupuntahan ni Rita kaya match lang naman ang outfit n’ya.”
“Pero ba ka mabastos lang s'ya sa bar because of her daring outfit.” Konta pa rin ni Arman sa pahayag ni Jean.
“Ano ka ba naman, para namang hindi ka madalas sa bar, ah. Like what you've said. ‘Boobs are boobs’ Kahit ibalandra ng mga babae 'yan sa mata ng mga manyakis na lalaki, kung hindi naman papayag ang babae na mag palande, eh, wala naman mangyayari na hindi maganda di'ba? Isa pa you’re with her naman, so ano ang kinakatakot mo? Eh, di bantayan mo ang pinsam mo! Saka wala na 'kong time para palitan pa s'ya ulit. I need to close my boutique shop. Late na kaya 'no! It's already 10: 30 Pm. I'm so tired sa dami ng mga customers ko kanina. I want to go home and rest. Kung 'di ka lang malakas sa 'kin, hindi kita pagbibigyan sa request mo kanina. Kaya mawalang galang na sa inyong dalawa, at hindi naman sa pinapalayas ko kayo. But you can leave now.”
Wala nang nagawa si Arman nang akayin ni Jean si Rita palabas ng boutique. Kaya naman napapailing nalang ito na sumunod palabas.
Bumulong si Jean sa tainga ni Rita bago ito tuluyang sumakay sa kotse ni Arman. Napangiti si Rita sa ibinulong sa kanya ni Jean. Nag pa salamat muli si Rita kay Jaen at tuluyan na itong sumakay sa kotse ng lalaki.
“Take care of her,” bilin ni Jean kay Arman.
“I will.” sagot ng lalaki at humalik sa pisngi ni Jean.
“Thanks.” Pagpapasalamat ni Arman at tuluyan na itong sumakay sa kotse.
“Your welcome.” Sagot ni Jean sa lalaki.
Naka ngiti na pinapanood ni Jean ang papalayo na kotse ni Arman.
Pinsan mo mukha mo! Hay, naku. Armando, hindi ka pa rin nagbabago. Sana si Rita na ang babae na mag papatino sa 'yo!
Anang munting tinig sa isip ni Jean. Well kahit naman timba-timbang luha ang ini-luha niya kay Arman noon, 'wag lang siya nito iwan. Kahit na sobra siyang nasaktan noon ay wala naman itong sama ng loob sa lalaki. Kaya hangad niya ang ikabubuti at ikaliligaya ng lalaki. Isa pa naging totoo lang ito sa tunay na nararamdaman nito. Hindi man sabihin ni Arman ang tunay na dahilan kung bakit kasama nito si Rita. Isang bagay lang ang nakasisigurado siya. Iyon ay hindi pag- aaksayan ng oras ni Arman ang isang babae kung wala itong feelings para rito. Of course she knew it! Si Armando Perez pa ba? Ang natatanging lalaki na nakilala niya na kayang maging honest kahit na makasakit pa ito ng damdamin ng iba. Siguro kung lahat ng mga lalaki ay kagaya ni Arman, kahit paano mababawasan ang mga umi-iiyak na babae dahil ni loko sila ng mga boyfriend nila. At least si Arman simula palang sa umpisa ay sinasabi na nito na hindi niya mahal ang isang babae. Pero sadyang marami pa rin mga babae ang nag kakandarapa mapansin lang ni Arman ang mga ito.