Naalimpungatan ng gising si Arman sa nanginginig na katawan ni Rita, halos mapaso ang katawan niya sa tila nag-aapoy sa init ng katawan ng dalaga. Dali-dali itong tumayo at ini-off ang aircon, at muling niyakap ang nanginginig na katawan ng dalaga. f**k! iyon na nga ba ang sinasabi niya e, baka magkasakit ito sa pagpapaulan nito. Muli siyang tumayo sa kama at mabilis na inabot ang phone sa ibabaw ng side table, na malapit sa kama. Hindi niya alam ang dapat na gawin kaya naisip niya na tawagan ang kaibigan na si Roldan, ang problema naman ay mukhang mahimbing ang tulog nito at hindi nagigising sa ring ng phone nito. Damn it! Ang himbing naman matulog ng lalaki na 'to! Dahil hindi sinasagot ng kaibigan niya ang tawag, ang phone number naman ng secretary nito ang sunod niyang idinial, and

