"Baby?" kumakabog ang dibdib na tawag niya sa dalaga, matapos buksan ng pinto ng condo. Napatingin siya sa tasa ng gatas na nasa ibabaw ng mesa na halos kalahati pa ang laman niyon. Tumakbo siya patungo sa kwarto, at nagbabakasakali na naroon ito. "Baby?" tawag niyang muli sa dalaga. Inilang hakbang niya ang banyo, at nagmamadali na tinulak pabukas ang pinto. Ang kumakabog na dibdib ay mas dumoble pa. Baby, na saan ka na ba? this is not a good Joke! Hinugot niya ang phone sa bulsa ng pantalon at dinial ang number ng dalaga. Shit! Damn it! Baby! Where the hell you are? Why did you not bring your phone? Is this kind of your sort Joke, again? It's not funny anymore! Marahas siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. At dinial ang phone number ng kaibgan ni Rita na si Charlot

