"Okay, I Can help you," manghang napatingin si Maureen sa mukha ni Lhadychin nang marinig niya ang sinabi nito. "T-talaga? T-tutulungan mo ako?" hindi makapaniwala na aniya rito. "Yes, malaki ang nagawa kong pagkakamali sa dalawang 'yon. So I guess, this is the least I can do to help them. At para makabawi ako sa kanila," sensero na sabi nito. At pinagkrus ang mga hita. Manghang napatitig si Maureen sa babae. Kahit naman pala malditah ito ay may ginintuang puso rin. Hindi na niya mabilang kung ilang beses silang nagkasagutan dahil lang sa boss niya. Sa lahat naman kasi ng babae na umaaligid kay Arman ay ito ang pinaka maarte at feeling soon to be wife, kung umasta. Samantalang halos dalawang taon na itong hiniwalayan ng boss niya. Kaya nga minsan ay gusto niya itong sabihan. Maganda

