Jamie Ann “Jana” De Castro (POV) Nalabasan ko si Christian na nakatayo sa may tabi ng pintuan. Malungkot itong tumingin sa'kin. "Sorry!" mahinang usal ko at 'di ko na napigilan pang mapasigok dahil tuluyan nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Kinabig niya ako palapit sa kaniya at saka niyakap nang mahigpit. ‘Di ko na naman naiwasang mapaiyak muli sa kaniyang dibdib. Hinaplos niya ako sa buhok at pilit pinatatahan. “I’m sorry kung hindi ako naging patas sa inyong dalawa,” humihikbing sambit ko kay Christian. “Sshh... Wala kang kasalanan. Kasalanan ko pa nga siguro ‘to dahil minadali din kita. Hindi ko na inisip pa ang mararamdaman mo.” Pag-aalo niya sa akin. “Nagiging selfish na yata ako,” humihikbi ko pang anas sa kaniya. “Nagpapakatotoo ka lang, Jana,” sagot nam

