Steven Reyes (POV) May mga nag-uusap akong nauulinagan at kahit gusto kong makita ang mga 'to ay 'di ko magawa dahil hindi ko maidilat ang aking mga mata. Gusto kong idilat ang mga mata ngunit kaybigat ng mga talukap niyon. Wari'y may nakadagan na kung anong pabigat roon kaya kahit anong pilit ko ay 'di ko maidilat-dilat iyon. "Ayokong umalis dito kung hindi natin kasama si Steven," matigas na sabi ng tinig na kilalang-kilala ko. "Jana..." ani ko sa isipan. Narinig ko ang paghakbang nang kung sinumang papalapit sa kinaroroonan ko. Naamoy ko ang pamilyar na bango ng babaeng pinakamamahal ko at ang pagsuklay ng mga daliri nito sa aking buhok. "Jana..." naghuhumiyaw kong bigkas sa kaniyang pangalan ngunit tanging ako lamang ang nakakarinig niyon. "Sorry..." madamdaming bulong sa'ki

