Kumakain kami sa cafeteria at the same time ay gumagawa ng assignment para sa sunod naming subject. "Jana, sa Quezon Province nga pala gaganapin ang defense natin," saad sa'kin ni Ice. "Ba't ang layo naman?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko rin alam," kibit balikat nitong tugon sa'kin. "Mabuti nga 'yon para diretso bakasyon na rin tayo sa bahay namin," ani naman ni Lyn. "Mabuti sana kung malapit lang sa pupuntahan natin ang lugar niyo," turan ko naman kay Lyn. "Malapit lang, kaya nga tuwang-tuwa rin ako dahil makakauwi pa ako sandali," ani pa niya sa'kin. Nakikitira lang kasi si Lyn dito sa tita niya. "Maiba nga tayo," putol ni Ice sa pinag-uusapan namin. "Ano 'yon?" magkapanabay pa naming tanong ni Lyn. "Kumusta na ang lovelife mo Jana?" humahagikhik na tanong ni Ice. "Baliw ka

