Inalalayan ko si Christian papasok sa loob ng resthouse. Nakaakbay ito sa'kin kaya't pareho kaming gumegewang papasok. "Pasensiya ka na Babe, kung nasobrahan ko ang pag-inom. Hindi na 'to mauulit. Promise!" hinging paumanhin sa'kin ni Christian. "Ay, dapat lang noh! Ang bigat mo kaya," nakangiwing saad ko sa kaniya. Natawa ito sa'kin at sa pagkagulat ko ay kinarga niya ako. "Christian!" pasigaw kong bulalas sa kaniya. "Akala ko ba lasing ka, ba't nabuhat mo pa ako?" takang tanong ko sa kaniya. "Siyempre, hindi ako papayag na malasing sa unang gabi ng honeymoon namin ng Misis ko." Kumindat pa 'to sa'kin. Namumula ang mga pisngi kong tinampal ito sa kaniyang braso. "Puro ka talaga kalokohan!" asik ko sa kaniya. Malalaki ang mga hakbang nito patungo sa aming silid at 'di niya alintan

