Muling kumatok ang taong nasa labas ng pintuan. "Christian, may kumakatok." Marahan ko siyang itinulak nang ayaw pa rin niyang huminto sa ginagawa. Napabuntong hininga naman ito at saka inalalayan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa may couch. Siya na rin ang nagbalik sa pagkakaayos ng aking kasuotan. Hinalikan pa muna niya ako sa labi at muli na naman itong magpapatuloy sana kung kaya itinulak ko na siya palayo sa'kin. Muling kumatok sa pinto ang taong nasa likod niyon. "May nangangatok!" mariin kong anas sa kaniya at pinandilatan siya ng aking mga mata. Mahinang tumawa ito at saka tinungo nito ang pinto upang buksan iyon. Pumasok sa pintuan ang babaeng nagpaupo sa akin kanina sa labas. Tumingin ito sa'kin at nginitian ako. Ginantihan ko rin ng ngiti ito. “Mrs. Smith, pakis

