Jamie Ann “Jana” De Castro (POV) Pagkatapos ng meeting ay inaya akong mag-dinner ni Christian sa labas. Pumayag naman ako dahil nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Dinala niya ako sa isa sa mga mamahaling hotel restaurant sa bansa. 'S&R Hotel Restaurant' parang narinig ko na ang pangalan ng kainan pero 'di ko lang maalala kung saan. Pilit kong iniisip kung saan ko ito maaring narinig. “What do you want to eat, Jana?” tanong ni Christian sa'kin na siyang umuntag sa malalim kong pag-iisip. “Ikaw na bahalang um-order nang kakainin natin. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganitong lugar,” tugon ko naman sa kaniya. Tumango ito sa'kin at kinawayan ang waiter upang palapitin sa'min. Nang matapos niyang ibigay ang mga order naming pagkain ay kinalabit ko siya sa kam

