Dumating ang araw ng pakikipaglaban ni Azriel laban sa Dugueng itinalaga para maging kalaban niya. Hindi na rin napigilan ni Razen sina Red at Soeji na sumama dahil sa labis na pangungulit ng dalawa. Para ano pa at naghanda sila kung hindi man lang makakasama. Nagpahid na lamang si Red ng dagta ng halimaw na kinalaban at napatay ni Razen noong isang araw. Sa pamamagitan ng dagta na ito, hindi maamoy ng mga halimaw ang dugo ng isang karaniwang tao na kagaya niya. Kailangang hindi mawala ang dagta sa katawan ni Red dahil tiyak ang kamatayan niya kapag natanggal ito sa kaniya. Bago nakarating ang apat sa pangyayarihan ng laban, nagkausap mula sila nang mabuti. Pinag-usapan nila ang dapat nilang gagawin kapag naroon na. Mga bagay na dapat nilang iwasan. Maraming halimaw ang dadalo at nais ng

