◄Diego's POV► Tuluyan na ngang umalis sila Marcus at hindi na nagpa-pigil. Sumama na rin si Thomas dahil kinukulit ito ni Marcus. Naiwan sa amin ang maraming tauhan na nasa labas at umuupa na ngayon sa katabing apartment nila Remy upang may kasama daw kami. Kaya ko namang pangalagaan ang kasintahan ko, pero ayaw pumayag ni Marcus lalo na si Thomas. Ikinandado ko ang pintuan ng aking bahay at nagtungo ako ng kusina. May alam naman ako pagdating sa pagluluto, hindi lang ako kasing galing ng mga kaibigan ko. Naglabas ako ng manok at nag-isip kung ano ang dapat kong lutuin para sa pananghalian namin. Nakakita ako ng sayote kaya naisip ko na ipagluto na lang si Remy ng tinola para pag gising ng girlfriend ko ay mapapakain ko agad ito. Habang naghihiwa ako ng mga rekado ay nagulat ako sa ila

