◄Diego's POV► Pagkasara ng pinto ay naupo ang aking nobya sa sofa at tila ba ito nahihiya sa akin kaya natawa ako. Tumayo ako at naupo ako sa tabi niya at isinandig ko ang ulo ko sa kanyang balikat at kinuha ko ang kamay niya, pinagsalikop ko ang aming mga palad at idinikit ko ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko. "Don't be afraid of me. Hindi naman ako kumakain ng buhay na tao, ibang buhay ang kinakain ko, 'yung masarap at humahalinghing," wika ko na may halong pagbibiro, kaya biglang napa-usad ang girlfriend ko sa pagkakaupo niya na ikinatawa ko. Muntikan pa tuloy mahulog ang ulo ko dahil sa kalokohan ko, buti na lang at napa-angat ako ng aking ulo. Natatawa talaga ako sa naging reaksyon niya dahil para itong biglang natakot sa akin. Ni hindi nga siya makalapit na sa akin kaya napapail

