❀⊱Remy's POV⊰❀ "Please po, sino po ba ang lalaking payat na 'yan?" ani ko habang panay tulo lamang ang aking mga luha. Gusto ko mang pigilan ang aking mga luha ngunit patuloy lamang itong dumadaloy na tila ba umaapaw na balon. "Babe, ano ba ang nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak ng ganyan? Bakit mo tinatanong kung sino ang nasa picture?" nag-aalalang tanong ng aking nobyo. Ngumiti ako sa kanya habang sige lamang ang pagdaloy ng aking mga luha. Hindi ko mapigilan, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso ang tanging dumadagundong sa aking pandinig. "Hija, bakit ka ba umiiyak at bakit mo ba tinatanong kung sino ang lalaking ito? Sinaktan ka ba ng lalaking ito nuong bata ka pa? Diego, inano mo si Remy nuon? Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Diego. Huwag mong sabi

