“HE AGREED to operate on you. Nahirapan akong maniwala noong una. I mean, umaasa ako at nagdasal na sana ay pagtuunan niya ng pansin ang kaso mo pero alam ko rin na masyadong abala ang isang siruhanong katulad niya. Brain tumors all over the world fly to him. Alam ko na hindi lang si Daddy ang nagsikap na pukawin ang atensiyon niya. Inasahan namin ni Daddy na mahihirapan kami kahit pa isa si Daddy sa mga doktor na nagsalba sa buhay niya noon. One look. Daddy said he just had one look and he said he could take it out. Sa dami na siguro ng mga naalis niyang tumor ay madali na lang ang kaso mo.” Napangiti si Kate sa sigla ng tinig ni Andre. Hinayaan lang niyang magkuwento nang magkuwento ang bayaw dahil tila kailangan nitong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon. Alam niyang mahirap ang pinagda

