AWTOMATIKONG nagmulat ng mga mata si Kate pagsapit ng alas-tres ng madaling araw. Awtomatiko rin ang kanyang pagbangon. Dahil hindi pa gaanong gising ang diwa, hindi kaagad niya naalala na wala siya sa kanilang bahay. Nang wala siyang makapang tuwalya sa likod ng pintuan ay saka lang siya natauhan. Naalala na niya kung nasaan siya. Naisandal ni Kate ang sarili sa pintuan at napabuntong-hininga. Pinagmasdan niya ang kama. Ilang beses na ba niyang nahiling dati na sana ay dumating na iyong araw na hindi na niya kailangang bumangon ng madaling-araw upang kumayod? Ngayong natupad na ang kanyang kahilingan ay hindi naman niya alam ang kanyang gagawin. Babalik ba siya sa higaan kahit na hindi siya nakakaramdam ng antok o lalabas na upang maghanap ng gagawin? Tumingin si Kate sa may bintana. Mad

