22

2600 Words

“WOW.” Napangiti si Kate sa naging reaksiyon ni Eric nang makita nito ang kanyang ginawa sa kusina. Pagkatapos ng halos isang oras na pagtitig sa loob ng refrigerator ay napagpasyahan niya sa wakas na maghanda ng isang espesyal na hapunan. Kinailangan niyang magpatulong kay Manang Luisa sa ilang ingredients na kailangan niya, at malugod siyang pinagbigyan ng matanda. Mga simpleng putahe lang naman ang inihanda niya. Sinigang na sugpo, adobong manok at baboy, inihaw na liempo, at puto flan para sa panghimagas. Marami siyang ginawang puto flan upang makapag-uwi si Manang Luisa. Kahit na simple lang ang mga putahe, naglaan si Kate ng ekstrang effort upang mapaganda ang hapag. Nakahanap si Manang Luisa ng mga sariwang bulaklak na ginawa niyang centerpiece. Tila hindi na nga nagulat o nagtaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD