"SORRY ho sa lahat kaso tapos na ang audition namin," sabi ng babaeng nakatayo sa harap niya.
Hindi ko matago yung inis na nara-ramdaman ko.
Mahigit limang oras ata akong nakapila rito sa initan, tapos mag ka-cut sila ng audition. Nagre-reklamo na din ang mga kapwa ko auditionee sa likod.
"Ah miss, baka nagka-kamali kayo," ngumiti ako dito bago nagpatuloy ng pagsa-salita. "Kanina pa ako nakapila rito, at madami po akong raket na hindi pinuntahan para lang maka-attend ngayon. Can you please double check?" Timping sabi niya sa babaeng kaharap.
"Sorry maam, pero ‘yun ho ang sinabi ng boss namin,"
"..kung gusto niyo po ay umattend ho kayo ng audition bukas para sa ibang project, 6am po ang open ng gate"
Ngiting sabi nito bago umalis.
Naiwan kaming naka-nganga ng kaibigan ko.
"Sabi ko sayo eh, sana tinaggap nalang natin yung raket na binigay ko kahapon" ngusong sabi ni Ara, halata sa mukha nito yung panghi-hinayang.
"Hindi ko naman alam na mangya-yare to eh, kung alam ko lang talaga ay pinuntahan ko nalang iyang raket na iyan, edi sana nakita ko pa si Kylie Ortiz!" pagtutukoy ko sa isang sikat na artisa, ang raket kasi na binigay ni Ara ay pagdo-double.
Parang wala akong butong maglakad kasama si Ara.
"May sobra ka pa ba diyan? Kain naman tayo," aya ni Ara. Simula kasi kaninang madaling araw ay hindi pa kami kumakain.
Kinuha ko yung wallet ko bago sinilip, napangiwi ako sa nakita, parang kanina limang daan pa to ah. "200 pesos na lang," walang ganang sabi ko.
"Tara doon nalang tayo kumain sa karinderya malapit sa bahay mo,"
Tumango tango nalang ako.
Tahimik lang kaming nagla-lakad ng biglang may lumapit sa aming bata.
"Ate—ate," sabi nito sabay kalabit sa braso ko
"Pasensya ka na boy, Wala kaming pera," sabi ko sa bata bago patuloy na naglakad.
"Hindi ate, aalukin ko lang sana kayo,"
"Ano iyon?" Napahinto kaming dalawa ni ara bago tiningnan yung bata.
"Baka po kasi gusto niyong magpahula" sabe nito.
Sabay kaming natawa ni Ara sa bata
"Baka naman Scam iyan ha!"
"Hindi po” sagot ng bata. “kilala ang lola sa pang-huhula dito, at nagkaka-totoo ang lahat ng hula niya," pagpipilit pa ng bata.
"Sigurado ka ba diyan" pagsi-sigurado ko sa bata.
"110% ate” sagot nito. “Refund mo pag hindi nagkatotoo" hamon pa nito.
"Aba aba, eh baka sa panahon na ‘yun eh nakapagtago na kayo," nata-tawang sabi ko sa bata
"Hindi ho, kilala nga si lola dito kaya hindi din kami makaka-takbo"
"Wala na tayong bala” si Ara. “Dalawang-daan nalang, Eli naman wag mo na isugal" bulong ni Ara sa tenga ko.
Napalunok ako sa sabi ni Ara, tama nga siya gutom na din kasi kami
"Eh magkano ba ang hula?" hindi ko napigilang itanong.
"150 pesos, pero 100 nalang tutal mukha ka namang artista,"
"Wow nambola ka pa ah!” ngiting sagot ko. “Sige na nga tutal nagustuhan ko ‘yang bola mo. Papabola na ako sa inyo ng lola mo!" tawang sabi ko, tuwang-tuwa yung bata na hinila ako papasok.
Kinindatan ko si Ara na nakanguso habang sumusunod na maglakad.
Pag pasok ko sa maliit na pintuan, nakita ko agad ang isang itim na silya at itim na mesa.
"Nakakatakot naman ang ambiance!" sabi ni Ara habang nililibot ang tingin. Hindi ko din maiwasang hindi matakot eh.
"Lola, lola!" sabi nang bata no’ng lumapit sa matandang babae na nagbabalasa ng cards.
Bumulong yung bata, ilang segundo pa ay tumingin na sa amin yung matandang babae.
"Halika kayo mga ineng, magsi-upo kayo" sabi nito bago tinuro ang upuan na nasa harap.
"Salamat po!"
"Sino ang magpa-pahula?"
"Siya lang ho at wala na kaming pera" mabilis na sabi ni Ara bago tumuro sa akin.
Bumaling yung tingin sakin no’ng matanda "iha, lapag!"
"Ha? Ano pong lapag?" Maang na tingin ko sa matanda.
"Ilapag mo ang isang daan sa mesa"
Narinig kong natawa si Ara sa sinabi ng matanda, maski ako din ay pinipigil na ang tawa. Hahahaha dito ko na lang itatawa.
Inilapag ko sa harap niya ang isang daan, inunat-unat ko pa ang isang daan dahil ipit na ipit sa wallet ko, baka kasi mawala eh.
"Anong pangalan mo iha?" Nakapikit na sabi nito na parang ito ay nagdadasal
"Amelie Rose"
"Ano ba iyan tumataas ang balahibo ko!" si Ara na hindi mapakali sa kanyang inu-upuan, habang nakatingin sa babaeng halos umikot ang itim na mata 360°
"Ano ang gusto mong ipahula, isang tanong lang,"
"Kailan po ba ako sisikat bilang artista?"
Nagpatuloy sa pagbabalasa ang matanda, hanggang sa nakapili ito ng mga cards. "Malapit na ang pagsikat mo!"
Lumaki ang mata ko sa narinig
"Malapit na malapit na pero" pansamantala itong tumigil. "Pero sa tulong ng isang lalake, lalake na hindi mo pa naki-kilala,"
Kumunot yung noo ko.
"Sino siya manang" naka-titig ako sa kanya, naghihintay sa sagot.
Pero tumigil siya "iha, 100pesos for 1 Question Only"
Napalunok ako sa sinabi nito
"Ano ba ‘yan" napatingin ako kay Ara na halata ding nabitin, iniisip ko yung nag-iisang isang daan na nakaipit sa wallet ko.
"Eh, manang hindi ba p’wedeng signature ko nalang?” Panga-ngatwiran ko “Tutal eh sisikat naman ako sabi niyo, magiging mahal na ang signature ko" ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.
"Hindi ko maipang bi-binggo ang signature mo iha" seryosong sabi nito.
Napalunok ako bago tumingin kay Ara "ikaw nalang manlibre muna mamaya, kahit sa fishballan nalang,"
Nakita kong aangal siya pero wala na siyang magawa no’ng ilabas ko ang nahuhuling bala ko.
Hawak hawak ko yung isang daan, tinititigan ko ito na parang ito ang susi sa matagal ko ng pangarap, ilang segundo ko pa itong tiningnan bago ilapag sa mesa.
Pumikit ako bago nagsalita "ano ho ang pangalan niya at apelyido?"
"Hindi masasabi sa akin ng mga cards na ito kung ano ang eksatong pangalan ng lalake"
Napakunot yung noo ko "ano ba ‘yan manang ibalik nyo nalang ang isang daan kung ganon!"
Ngumisi ang matanda bago sinubukan ulit basahin yung cards na hawak..
Ilang minuto kaming naghihintay sa sagot niya.
"Hindi ko mabibigay ang pangalan niya, pero mabibigay ko ang dalawang letrang initials niya"
Huminga ako ng malalim "sige na nga ho, ano ho iyon?"
"F at--- B ang dalawang letra sa pangalan niya!" halatang nahirapan pa itong basahin iyon.
"Anong lugar siya nakatira?" mabilis kong tanong.
"Bala, iha!" sabi pa nito.
"One kwestyon only, Ms Byutipul!" ang bata na sumagot.
Aba, hindi pala umalis ang bata, at naki-chismis pa sa hula sa kanya.
"Sige na nga ho, goodluck na lang sa akin kung mahanap ko ‘yang sss na iyan!"
Tumayo kami bago nag-paalam sa matanda.
"Nabudol ata tayo sa dalawang daan mo eh" bulong ni Ara no’ng makalabas na kami.
"Hayaan mo na, isipin mo tulong nalang din natin sa bata" pang-tanggal sa panghi-hinayang na nara-ramdaman ko.
"Jusko, hindi mo ba narinig! Ipangla-laro niya iyon ng binggo!" irap na sabi ni Ara, binuksan pa nito yung wallet bago sinilip. "50 pesos ang laman"
"Tara na nga, mag fishball muna tayo!” aya ko kay Ara. “Lets treasure it habang hindi pa ako artista, dahil pag naging artista na ako hindi na ako makaka-kain sa labas ng fishball pagkaka-guluhan ako ng mga fans na gustong magpa signature!" super confident kong sabi kay Ara.
Sabay kaming tumawa ni Ara bago nag patuloy sa pagla-lakad.