Astrid
"Hindi ka na naman sasama?" halatang napipikong tanong ni Ralph, ang boyfriend ko ng tatlong buwan. He's leaning on the door frame of our classroom with his thick brows almost meeting.
I forced a smile as I hugged my books. "Sorry. May practice kami sa drama club. After no'n, may raket ako."
Nagkamot siya ng batok. "Puro na lang ganyan, Astrid. Tuwing may lakad ang barkada, lagi na lang hindi ka kasama. Uunahin mo pa 'yang pag-extra mo sa mga shoot. Magkano lang naman binabayad sa'yo diyan."
Muntik nang tumaas ang kilay ko. "Kailan mo ba maiintindihan na 'yong exposure ang habol ko? Ngayon na nga lang ulit ako makakatanggap ng raket, ganyan ka pa. Saka Wednesday pa lang, Ralph mag-iinom ka na? Baka naman absent ka na naman bukas?"
"Huwag mong ibahin ang usapan, babe." Umayos siya ng tayo. "Fine. Pero kapag ginabi ka diyan sa pag-extra mo, hindi na kita susunduin this time."
My lips pursed as he turned his back on me. Sumama siya sa mga barkada niyang nag-aabang sa labas. May dalawang babaeng kasama ang mga ito na nagawa pa akong tapunan ng tingin bago sumama sa grupo ni Ralph paalis.
"Away na naman?" tanong ni Marissa, isa sa mga kaibigan ko at kasama sa drama club mula first year.
I sighed. "Ano pa nga ba?"
"Ano ba talagang nagustuhan mo diyan kay Ralph? Hindi na nga seryoso sa buhay, may pagka-antipatiko pa?"
"Well, he wasn't like that before. Supportive siya sa pangarap ko kaya ko siya nagustuhan. Hinahatid-sundo niya ako sa mga raket ko lalo na kapag ginagabi kami sa shoot. Ewan ko ba kung anong nangyari diyan?"
Marissa shook her head. "Baka naman 'yan ang totoong ugali, hindi lang kaagad ipinakita sa'yo."
"Huwag naman sana."
"Second boyfriend mo 'yan, 'di ba?" she asked.
Tumango ako habang sumasabay sa paglalakad niya. "Oo."
"Ba't ba kayo naghiwalay noong unang jowa mo?"
Nagkibit-balikat ako. "It was a mutual decision back then. Feeling namin ay masyado pa kaming bata noon ni Croft since second year high school noong naging kami. Pagdating ng fourth year, naging abala siya sa pagtulong sa parents niya dahil may negosyo silang gulayan sa palengke habang nauubos ang oras ko sa mga auditions at workshops. Nawalan kami ng time kaya feeling namin hindi naman dapat namin i-prioritize ang pakikipagrelasyon."
"Oh, parang okay naman 'yang unang jowa mo tapos nag-settle ka diyan kay Ralph. Pogi ba 'yon?"
I smirked. Hindi lang pogi. Matalino pa 'yon. No wonder a lot of girls hated me back in high school. Palibhasa ay mailap iyon sa mga babae. Talagang ako lang ang niligawan kahit maraming nagpapapansin sa kanya noon.
"Oo," sagot ko na lang.
"May communication pa kayo?" usyoso niya.
"None. Wala namang social media accounts 'yon. Walang tiyaga sa paggamit ng cellphone."
Kumunot ang noo ni Marissa. "Eh, paano kayo nag-uusap noon?"
"Nanligaw sa bahay. Hinahatid-sundo rin ako. Kapag hindi siya abala sa pagtulong sa mga magulang niya, pinupuntahan niya ako sa bahay at doon kami mag-uusap."
"Grabe." Natawa siya. "Ang gentleman naman no'n!" parang hindi niya makapaniwalang sabi.
I smirked. "I know. Sayang nga, eh. Wala na rin akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko rin alam kung nagpatuloy ba ng pag-aaral dahil bago ako nagpa-Maynila noon for college, lumipat na ang pamilya niya ng lugar dahil nabenta na 'yong bahay nila."
"Hindi niya sinabi kung saan sila lumipat?"
"Hindi na kami nagkita. Naging busy na rin kasi ako no'n sa workshops."
"Ay baka hindi kayo meant to be," biro ni Marissa.
Honestly, that's what I've been thinking, too. Kasi parang hindi talaga inadya ng tadhana na mag-krus man lang ang mga landas namin.
Mahigit tatlong na rin pero hanggang ngayon, wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Ilang beses ko rin siyang sinubukang hanapin sa social media pero wala talaga siyang accounts.
Sometimes I regret breaking up with him, though. Pakiramdam ko naman minahal namin ang isa't isa. Puppy love kumbaga. Hindi man ganoon kalalim, but at least we knew love because of each other. Sayang. Napaka-ideal pa naman no'n.
Marissa and I went to the theatre to practice with the rest of the drama club members. Nang natapos ay balak ko na sanang pumunta ng shoot kung saan ako e-extra, ngunit bago pa man ako nakasakay ng FX ay nakatanggap na ako ng chat mula sa isa sa mga kaibigan ko mula sa ibang department.
Hope: Girl, si Ralph may kandong na ibang babae dito sa VG's!
My body froze as I viewed the photo Hope sent next. Hindi gaanong maliwanag ang kuha ngunit sapat na para mapagtanto kong si Ralph nga ang nasa larawan. And that woman sitting on his lap? That's one of the girls who left with him and his friends earlier!
Nandilim ang paningin ko. Hindi naman ako eskandalosang tao pero parang may humatak sa aking sugurin sila roon sa VG's. Tambayan iyon ng grupo nila dahil mayroong bilyaran. Ilang kanto lang din ang layo mula sa university kaya madali kong napuntahan.
Namamanhid ang mga palad ko sa galit nang pumasok ako sa loob. Sinalubong naman ako nina Hope at sinamahang sugurin ang pwesto ng magaling kong boyfriend.
"Saan?" galit kong tanong. Halos hindi na napansin ang ibang customer na nasa lugar dahil sa nararamdaman ko.
"Doon banda!" turo ni Hope saka ako sinundan nang manguna na ako sa paglapit.
Ang putanginang Ralph? Nakikipaglaplapan na roon sa babaeng naka-HRM uniform!
"Ang kapal din ng mukha mo?!" I shouted, causing a scene inside the place. Maging iyong mga naglalaro ng bilyar ay biglang napatigil dahil sa lakas ng boses ko.
Napahiwalay ang dalawa sa isa't isa. The woman immediately stood up, probably terrified of what I would do to her if she wouldn't move out of the way.
"B-Babe," halatang nagulat na tawag ni Ralph. Tumayo siya't akmang hahawakan ako sa magkabilang braso ngunit lumipad na ang palad ko sa kanyang pisngi.
"Huwag mo kong ma-babe-babe, punyeta ka!"
Hinimas niya ang pisngi na sinampal ko. "Ano ba naman, Astrid? Ba't kailangan pang mag-eskandalo?"
I scoffed. Ang inis ay lalong rumehistro sa aking mukha. "Ayaw mo pa lang maeskandalo, bakit mo nagawa sa'kin 'to?!"
He sighed. Namumula na. Hindi ko alam kung dala ng hiya o naiinis siya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Kasalanan mo rin naman, eh. Palagi mo na lang inuuna 'yang lintik na pangarap mo eh halata namang wala kang mapapala diyan. Hindi mo ba napapansin? Nahihiya na ko sa mga friends ko dahil iniisip nilang ilusyunada at trying hard maging artista ang girlfriend ko. Can you blame me for doing this? Eh, imbes na ibigay mo sa'kin atensyon mo, inilalaan mo palagi diyan sa putanginang pag-extra na 'yan kahit mukha ka lang tanga diyan?"
His friends laughed. Para tuloy akong binuhusan ng gasolina kaya lalong nagliyab sa galit. These motherfuckers?! How dare them shame me for having a dream?!
I slapped him again out of anger. "f**k you, Ralph!"
His friends teased him, making his expression darken even more.
"Wala ka pala, Ralph eh. Sinasampal-sampal ka na lang ngayon. Akala ko ba ikaw batas sa inyong dalawa?"
"Oo nga, bro? Akala ko ba niluluhuran ka niyan ni Astrid? Akala ko ba tirik mata niyan sa'yo?"
My lips parted. "Excuse me? Hoy! Kahit halik hindi pa nakakuha sa'kin 'yan, ano?! Anong pinagsasabi n'yo?"
Umalingawngaw ang kantyawan ng mga kaibigan niya. "Wala pala 'tong si Ralph. Mahinang nilalang." Nagtawanan sila.
Ralph clenched his jaw as he turned more red out of embarrassment. Nang mapikon ay muntik akong ambahan ng palad kung hindi lamang lumipad patungo sa direksyon niya ang tansan. Tumama iyon mismo sa kanyang ulo na tila sinadya siyang batuhin. Halos sabay tuloy kaming napalingon sa pinanggalingan ng tansan. Nagtataka kung sino ang gumawa no'n.
The man in a marine uniform who was leaning on the billiards table while holding a halfway empty glass of beer gave Ralph a cold stare. Ang nadepinang panga ay matindi ring nakaigting na tila nagtitimpi lamang ito ng galit. Napakunot naman ako ng noo. Bakit parang pamilyar sa akin ang itsura nito?
My now ex-boyfriend pointed the man. "Ikaw bumato, hmm? Tangina, dayo ka rito may gana kang mangialam?" asik ni Ralph. Lalong nanggalaiti dahil mas napahiya sa mga kaibigan niya.
Tinungga ng lalake ang bote habang hindi inaalis ang ngayon ay matalim nang titig kay Ralph. Maya-maya ay nagpunas siya ng mantsa ng alak sa bibig gamit ang braso bago siya umayos ng tindig.
"Subukan mong palapatin 'yang lintik na palad mo sa balat niyan, susunod na lilipad sa'yo 'tong boteng hawak ko . . ." the man said with a hint of anger in his manly voice.
I stared at the guy a little longer, and as soon as I realized why he looked familiar, my jaw almost dropped to the floor while my heart nearly jumped out of my chest. Oh, God. Is that . . . him?
Sinubukan kong kumurap dahil baka namamalikmata lamang ako ngunit hindi. His image didn't change, neither the extreme anger and jealousy written on his handsome face.
Nalunok ko ang sarili kong laway habang nanlalaki pa rin ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Those hazel eyes, pointy nose, and sexy pair of lips, how could I not recognize him easily? Hindi ako pwedeng magkamali. It's him. It's definitely him!
"Croft . . ."