"Ano ba? Bitiwan mo nga ang kamay ko! Kung makahila ka sa akin, wagas! Anong akala mo sa akin lalaki ako? At isa pa, hindi mo man lang akong tinulungan na bitbitin ang mga dala ko! Lalaki ka ba talaga?" bulyaw niya sa akin habang hinihila ko siya papunta sa sasakyan ko. Hinayaan ko lang siya na magsalita nang magsalita, kahit pa kanina pa ako naiingayan sa matinis nyang boses. Basta nanalo ako sa pang-aasar sa kanya. I'm so happy! Lihim pa akong natawa kapag naaalala ko ang mukha niya kanina. Halos mamula ang pisngi niya sa inis habang nag bibitaw ako ng mga pick up lines. Alam na alam ko kung paano asarin si Ms. Matandang dalaga. At sa ganitong paraan mas lalo ko syang napipikon. At sa tantiya ko kanina sa reaksyon niya, gusto na niya akong lumpuhin. Natutuwa talaga ako kapag inaasar ko s

