Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell. Basta sunod-sunod alam ko na kung sino ang nasa labas. Walang iba kundi ang Lola ko na kulang sa aruga at pasensya! Hindi muna ako tumayo dahil antok na antok pa ako. Kinuha ko ang unan sa tabi at itinakip sa mukha ko. Abala na naman ang Lola ko! Makaganti man lang kay Lola Dorina, hinayaan ko syang mag-doorbell nang mag-doorbell, dahil alam ko na s'ya 'yan. Hindi kasi ako umuwi kahapon sa mansyon n'ya. At alam kong may iuutos na naman sya sa akin dahil panahon ng tag-ani ngayon. Akala ata ni Lola Dorina maiisahan n'ya ako! No way Maginhawa Highway! Hinayaan ko lang mag- ingay ang doorbell at muli akong pumikit. Hindi ko namalayan nakaidlip ako muli. Kaya naman nang muling tumunog ang doorbell ay napabalikwas na ako n

