Shy

1386 Words
Kanina ko pa pinagmamasdan ang babae na na nakaupo sa tapat ng upuan sa may right side ko. Ngayon kasi ang flight ko papunta sa Cebu para sa isang project. Kay Galledo sana ito pero abala s'ya sa paghahanda para sa kasal nila ni Helena. Kaya naman ako na lang ang nag presinta kahit ito man lang magawa ko sa kanya bilang kaibigan n'ya. At hindi ko rin inaasahan na may isang babae na aagaw ng atensyon ko. Sa tagal ko nang nagpupunta sa Cebu ngayon lang nangyari ito. Ang sexy n'ya in fairness huh! Morena at matangkad. Mahaba rin ang buhok n'ya at tuwid. Kahit hindi ko masyadong makita ang mukha n'ya dahil nakasuot s'ya ng cap at mask. Alam ko na maganda s'ya. Mas lalo ko pa syang lihim na napagmasdan nang mag palit sila ng upuan ng kasama nitong lalaki. At hindi ako sure kung boyfriend n'ya ba ito or what? Mukha kasi ang sweet nila sa isa't-isa lalo na nang makatulog ang babae sa balikat ng kasama nito. Malaya kong pinagmasdan ang kabuuan n'ya hanggang sa magising na s'ya matapos ang mahigit isang oras na tulog s'ya. Nang magising s'ya ay nagkunwari akong natutulog din. Pasimple akong sumandal sa upuan upang hindi n'ya mahalata na nakatingin ako sa kanya. Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko nang bumaling ang tingin n'ya sa akin. Hinayaan ko lang s'ya na tingnan ako at lihim pa ako na napangiti. Bigla tuloy nawala sa isip ko si Ms. Sexy pero nagtataka rin ako. Bakit tila pare-pareho sila ng mga legs? Ang babae na taga pastol ng kambing at ang babae na nasa tapat ng upuan ko ngayon. Hindi kaya triplets sila? Possible kaya 'yon? Mababaliw na yata ako sa mga hita nila! Hirap na hirap akong umakto ng normal dahil sa ginagawang paninitig ng babae sa akin. Ilang saglit nga lang ay inalis nito ang tingin sa akin kaya naman nakahinga ako ng maayos. At muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Gusto ko pang matawa nang muli syang tumingin sa akin ngunit, mabilis nyang binawi ang tingin nang makita n'ya na nakatingin din ako sa kanya. Kaya naman nagmamadali n'ya na kinuha ang gamit saka, naglakad palabas ng eroplano. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya palabas pero, halata pa na tila nahihiya syang tumingin sa likuran dahil alam n'ya na kasunod n'ya ako. Ibang-iba s'ya sa mga babae na nakilala ko. May mga babae kasi na kapag nakita nila na napukaw ang atensyon sa kanila ng isang lalaki, sila pa mismo ang mag aalok ng sarili nila sa amin. At humahanga ako sa katulad nang babae na ito. Mukhang hindi s'ya basta lang. Sila 'yung pinaghihirapan talaga at worth it ang paghihintay na gagawin mo. Lahat naman ng babae ay nirerespeto dapat. Ano ba itong nasa isip ko! Mabuti na lang talaga wala si Sky ngayon. For sure may malakas na batok akong natanggap mula sa kanya dahil sa kakornihan ko! Ewan ko ba nagiging korni na ako ngayon. Noon naman ay hindi puro flirt lang ang alam ko. Paglabas namin ng eroplano dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ko si Shy Girl. Sinubukan ko syang hanapin ngunit hindi ko na s'ya nakita pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng airport ay hindi ko na s'ya muli pang nakita kaya naman natawa pa ako ng pilit. Habang naglalakad palabas upang hanapin ang taxi na sasakyan ko papunta sa hotel kung saan ako mag stay ng tatlong araw. Habang nasa byahe hindi pa rin mabura ang nakakatawang reaksyon ng babae kanina. Pero baka boyfriend n'ya rin ang kasama n'ya kanina? Bakit nakaramdam ako ng inggit sa kasama n'ya kanina? Nasisiraan na ba ako ng bait? Pinilig ko ang ulo ko upang mawala sa isip ko ang nangyari sa eroplano kanina. Kaya pagdating ko sa hotel ay kaagad akong naligo upang mabawasan ang mga iniisip ko. Naisipan kong mahiga muna saglit upang umidlip. Nagising nga ako bandang alas dose ng tanghali ng nakaramdam ako ng gutom. Muli akong tumungo sa toilet upang maghilamos. Dahil hindi pa ako kumakain, bumaba muna ako ng hotel pagkatapos kong maghilamos saka maaga pa naman para kitain ko ang kliyente namin. Pagdating ko sa restaurant ng hotel ay maraming tao na kumakain. Lalo na ngayon summer maraming turista dito ngayon. Pumuwesto ako sa may bandang likuran kung saan tanaw ang dagat sa gilid ko dahil glass wall ang interior design ng restaurant nila dito. May mangilan ngilan na naliligo at napansin ko rin na may photoshoot na ginagawa sa di kalayuan. Mukhang summer collection ang concept ng photoshoot dahil sa nakasuot ng bikinis ang mga models nila. Hindi ko napansin matagal na pala akong nakatitig sa kanila. Kaya naman nagulat pa ako nang magsalita ang waiter sa tabi ko. "Sir…" "Y-yes…Ano nga 'yon?" tanong ko. "What's your order, Sir?" "Chicken inasal, Java rice and ice tea. Thank you." "Copy, Sir." "Anong meron sa labas?" tanong ko pa sa kanya. "Photoshoot ng isang clothing brand, Sir. Mukhang may tinitignan ka sa kanila, Sir," natatawa pa ang waiter. "W-wala…" kaila ko pa sa kanya. Saka ko itinuon ang paningin ko sa kabilang side. Nang makatapos ako kumain ay umalis na rin ako. Mabilis naman akong nakarating sa pupuntahan ko dahil wala naman traffic ngayon dito. Pagdating ko nga sa location kaagad akong sinalubong ni Mr. Nakamura isang Japanese national. Pero naka base dito sa Pinas dahil nakapag-asawa ng Pinay. "Good morning, Sir!" masiglang bati ko. "Magadang umaga. Ako hintay sa'yo. Buti ikaw dating na agad para usap tayo dito. Akin resort tayo dito. Ikaw ano sabi mo magada design?" gusto ko pang matawa sa paraan nito ng pagsasalita. Huminga pa ako ng malalim bago ako nag-explain sa design ng resort na ginawa ni Galledo. Cabin design ng napili ni Galledo dahil malawak naman daw ang space kaya pwedeng-pwede raw ang ganito. Ibang klase talaga si Galledo mag-isip! Lodi! Walang tapon sa design n'ya. Mabilis kaming natapos sa pag-uusap dahil wala na syang pinabago pa sa original plan. Bago ako bumalik ng hotel ay nilibot ko pa ang buong lugar. Saka naman nagyaya na uminom si Mr. Nakamura celebration daw para sa itatayo nyang resort. Kaya wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto n'ya. Gabi na nang makabalik ako ng hotel at medyo nakainom na rin. Sa dalampasigan ako unang pumunta para magpahangin muna bago bumalik sa kwarto ko. Maliwanag ang buwan kaya naman mas lalong masarap maglakad lakad dito. Wala rin masyadong tao ngayon dito sa beach. Habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam na na naiihi na ako. Kaya naman nag hahanap ako ng pwede akong magkubli upang umihi. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nang may nakita ko ang malaking bato ay kaagad ako na naglakad papunta roon. Nang makarating ako ay mabilis kong ibinaba ang zipper ng short ko at inilabas ang alaga ko. Namilog pa ang mga mata ko sa gulat. Dahil sa liwanag nang buwan kitang-kita ko ang mukha n'ya. Pagharap ng babae mula sa likod ng bato ay napasigaw pa s'ya. "Ahhhhhhhh! Bastoooooos! Manyaaaaaak!" Malakas nyang sigaw habang nakatingin sa alaga ko. At mukhang nataranta na s'ya kung ano bang dapat nyang gawin. Maging ako ay natulala nang makita ko ang magandang mukha n'ya. Dahil s'ya rin pala ang babaeng nakabangga ko sa restaurant noong nakaraan. "Ahhhhhh! Walanghiyaaaaa! I-itagooo mo 'yanaaaan!" Sigaw n'ya pa at sa pagkataranta ko sa pagsasara ng zipper ay naipit ang balat ng alaga ko. Kaya naman napahiyaw pa ako sa sakit nito at hindi ko na nagawa pang isara ng maayos. Mabilis akong tumalikod sa kanya at nagtatalon sa sakit ng alaga ko. "O-okay ka lang ba?" tanong n'ya kaya naman muli akong humarap sa kanya. At nawala sa isip ko na bukas pa pala ang zipper ng shorts ko at hindi ko pa naitatago ang alaga ko. Kung hindi n'ya ako ginulat hindi sana maiipit ang alaga ko. S'ya ang basta na lang sumulpot dito! "Kasalanan mo ito—-" "Waaaaahhhh! Manyak ka talagaaaa!" Isang malakas na sampal pa ang binigay n'ya sa akin, saka s'ya tumakbo palayo. Nang madako ang tingin ko sa shorts ko ay nakaway pa pala ang alaga ko. "Fûck! Alfred Santillan! What's happening! Asshole!" mura ko pa habang nakatanaw sa babae na sumampal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD