3:HELLO KITTY

1898 Words
HER POV: EARLIER>>> Apat na beses na ata akong nag a-amanamin. Aba ginoong maria, at nagrorosaryo. Habang nasa loob ng cr. Nang hihingi kasi ako ng sagot sa kaitaasan kong paano ko ba maisasakatuparan ang plano kong patalsikin sya sa buhay ko. Hindi na ako makapag hintay e. Oo kakakasal pa lang namin,pero hihintayin ko pa ba ang isang linggo. Dalawang buwan, isang taon na makasama ang mortal enemy ko? May narinig akong mahinang katok. Alam kong sya lang naman yun e. "Come on... Im ready.. " Aish? Nakagat ko nalang ang ibabang labi sa inis. Narinig ko na rin na parang may pumipihit ng doorknob. "Isusumbong kita kila daddy. Bakla! Bading! Baklush!hmp! " Teka, bat para yatang ako pa ang natatakot sa tono ng pananalita ko? Maya-maya nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. So hinubad ko na ang hello kitty panty na favorite ko,dahil wala namang nakakita inalis ko yun hanggang hita saka umupo sa inidoro.Kinuha ko ang panty ko. Di pa ako nakuntento pinapaikot ikot ko pa yun sa er---anak ng tilapya! Nawasak ang kubeta? Sa paghawak ko sa doorknob para hindi ako tuluyang matumba e, namalayan ko nalang na napihit ko ito at tuluyang bumukas ang pinto. Diretsong landing tuloy ako sa tiled floor at naliligo sa sarili kong ihi. "Aray ang sakit ng balakang ko" Kakainis, bat ba ang malas malas ko ngayong araw? [PRESENT>>>>] "HELLO KITTY PANTY? " Boses yun ni bakla ah? Hello kitty panty? binobosohan nya ba ako? Teka? Hindi ko nga pala suot yung----- Nanlaki nalang ang mata ko ng pagharap ko rito ay hawak na nya yung panty ko. I give him my precious deathglare. Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako na parang walang nangyari. Buti nalang naka mahabang dress pa ako. "Hoy!bakla ,kong gusto mo ng panty. Bumili ka... hindi yung nangingialam ka ng panty ng may panty..."Mataray kong wika saka pilit na kinukuha rito ang panty ko. Ang nakakabanas lang e. Itinaas nya pa lalo ang panty para di ko maabot. Oo na matangkad na sya. 6 ft ang loko e. 5'4 lang ako e. "Isa, kapag hindi mo binigay sa akin yan. Ibubulgar ko kila mommy na bading ka. Type mo yang panty ko.. " Imbis na matakot ang baklang to balak nya pa atang amuyin dahil ilalapit nya pa sa ilong nya. "Oo type ko ang panty mo. Wala kasi akong ganitong collection e. Hello Kitty, ang cute kaya..."sabi pa nya at isasayad na talaga nya sa ilong nya pero sinipa ko sya sa pagitan ng hita. Kala nya ah. "My.. my precious ---argh! pagnabasag to, lagot ka sakin..maldita ka!"Gigil pa nyang wika sabay patalon talon pa. Sakit ba? Dont underestimate a girl without panty. Naglanding naman sa kama ang panty at mala-action star kong kinuha iyon,pero bwisit lang dahil nahawakan nya yung kalahati kaya ang ending naghigitan kami parehas. Bilib na talaga ako sa kanya.Injured pa sya nyan ah? "Bitaw! "Giit ko. "Noway! "Sabad nya. Higit ko. Higit nya rin. Ang ending napunit ng tuluyan yung panty ko. Parang nagslowmotion sa paningin ko ang pagpunit ng panty. "Mang aagaw ka talaga,noong elementary palang, inagaw mo na yung barbie doll ko. Pati ba naman panty ko aagawin mo pa rin!"Hindi ko na mapigilang sabihin iyon. Natigilan sya bigla. "Nonsense? for a panty? nagkakaganyan ka? "wika nya. Tumayo sya at tuluyang lumabas ng cottage. Narinig ko nalang ang pagsara ng malakas ng pinto. Sa akala nya ba. Panty lang yun? May sentimental value sakin yun e. Sabagay di naman nya alam ang salitang value kasi puro lang sya pang aagaw. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Naiyak na tuloy ako. ****** "Kumusta honeymoon-----Teka bat nandito ka na agad Helga? " Kakauwi ko pa lang sa bahay.Hindi na ako nag paalam sa baklang yun,para ano pa. Sinira nya yung importanteng bagay na binigay sakin. Si Dad yun nakikipag usap sa akin ngayon nagaayos ng kotse,pero tuloy pasok lang ako sa bahay. "Bat ka nandito, your still on your honeymoon vacation ,you should spend time with your husband,for christ sake Helga...tsaka ano yung mabahong amoy na yun? " Alam kong ako yun pero dinedma ko na si Dad. "...Ayoko na Dad gusto ko ng makipag hiwalay" Sa pagsasabi kong yun. Tinawanan pa ako ni Daddy. "Kakakasal palang hiwalay na agad? " "Basta nakakainis sya. Dad!"sabi ko na saka umupo sa isang wooden chair sa may terrace. Tumabi na rin sa akin si Dad. "You both are into adjusting stage. Syempre marami pa kayong matutuklasan sa isat isa and you have to be patient... " "Pero dad..."Nakasimangot kong wika. Tinapik nya lang ako sabay gesture na samahan ko daw sya. Tumayo ito at pumunta sa kotse namin. "Tara.Papasyal muna tayo.. " Lumawak bigla ang ngiti ko. Yun ang gusto ko kay Daddy. Sweet na caring pa. Sumakay na ako sa front seat habang ito naman ay sa driverseat. Sa wakas. Matatakasan ko muna for the meantime ang baklang yun. ***** Nawala nalang ang ngiti ko ng magpark kami sa isang resort. Sumalubong kasi kaagad ang baklang yun suot ang floral shirt and shorts. So bumalik lang pala ulit ako sa resort? Lumabas si dad sa kotse, habang napilitan naman akong lumabas. "Dad. What brought you here? "pauna nito ng makalapit. "She missed you, kaya hinatid ko sya dito... "Wika ni Dad sabay tapik dun kay bakla. "Take care of her okey? " Nagulat nalang ako ng pumasok na si Dad sa kotse. Sasakay pa sana ako ng inilock nito ang pinto sa lahat ng seats. Aish! Naloko ako ni Dad. "Teka Dad sasakay ako! " Tuluyan na itong umandar at inis na habol habol ko naman ito ng tingin. "Your here again. Crybaby? " Humarap pa talaga sakin ang baklang to at tinatawanan ako. Nakakatawa na ba ngayon ang mawalan ng panty? Buti nalang talaga may reserba pa akong dala. Paano nalang kong wala? Sarap nyang i-upper kick. Inirapan ko sya at parang walang nakitang pumasok sa cottage. Hindi ko sya kakausap----- Pagpasok ko. Bumungad na kaagad sa akin ang lamesa na may paperbag. Herbench ang nakalagay roon. "Your panty is too childish. So I bought more seductive... "Rinig ko mula sa likuran ko. Pagbukas ko ng paperbag ay parang nalula ako. Yung panty halos kapirasong tela na, literal e. T-back pa ata ang binili ng siraulong baklang to. "Sayo na.. "sabay tapon sa kanya. Naglanding yun mismo sa dibdib nito. "Ang arte? Anong gusto mo. Isusuot mo to o Isusuot ko sayo to.." Nag init bigla yung pisngi ko. "BASTOS! " Lumabas nalang ako ng cottage. Mas mabuti pa kesa, pakisamahan pa sya. Taray?manyak na bakla? Aish! Umupo ako sa buhanginan. Andito na ako ngayon sa tabing dagat. Ang ganda ng view. Blue na blue yung dagat tapos maraming naka-two piece na naglalakad.Meron ding mga lalaking nakabalandra yung mga abs nila. Heaven na pala e. "Runaway bride? " Lumingon ako sa nagsalita. Tinignan ko ang sarili at, napansin kong hindi pa nga pala ako nakakapag palit ng damit. Naka wedding dress pa nga pala ako. "Ako? "Kahit obvious naman. "Yes you are? "wika ng lalaking chinito na may perpektong katawan. Biruin mo kompleto sa abs. Kamukha nya nga si Song joonki e. "Ah..."nahihiyang wika ko. "Cosplay lang to.. "sagot ko. "May kasama ka ba? " "No.. Iam----" Nacut ko yung sasabihin ng may biglang sumingit. "Not available....Shes not available. " Napakamot nalang ako ng ulo sa inis. Panira ng araw oh. Baka itong lalaking to na ang forever ko tapos, eepal? Aish! "Who are you? "kunot noong wika ni poging chinito na, crush ko na. "Iam her----" "Bodyguard... " Kinut ko rin sya, ganti-ganti lang. He then gave me a deathglare. "Ah.Anyways can you come with me tonight. We have a party.Sama ka please... "Sabi nya sakin ,na nakaharap na sa mukha ko. "Yes sure" Iimik pa sana tong baklang to ng takpan ko nalang ang bibig nito. Mauudlot pa kasi e. "By the way Iam Polo.. " Inilahad pa nito ang kamay para makipagkamay pero itong epal nato, sya pa ang nakipag kamay. "Shes... busy tonight. Sorry sir. Tayo na madam... " Nahang ang sasabihin ko ng hatakin nya ako paalis sa lalaking pinapangarap ko. ***** Papasok na kami ngayon sa cottage ng alisin nya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Stop flirting. Do you even remember your a business heir. You should act one... " Natawa ako. "So? " Inilock nito ang pinto. "You need to remain your prim and proper. Maraming mga mata sa labas. Hindi mo ba alam na posibleng pinapaligiran tayo ng mga media,or even paparazzi? Dont humiliate our family... do you get it? "Explain nito. Medyo natiklop ako doon. Tama naman sya. Bakit ba hindi ko naisip yun? Umupo ako sa kama. May point din pala tong baklang to kahit minsan. **** Alas dose na ng gabi pero gising na gising pa rin ako. Paano ba naman ako makakatulog e. Sa sala na may comforter ako natulog. Hindi daw sya sanay sa sala kasi matigas daw kaya sa kama sya matutulog. Kong gusto ko daw tumabi e. Manigas raw ako. Ang kapal nya. Kala naman nya Greek god sya? Mas pogi pa rin si Polo no. Kumusta na kaya yun? Nagive up na ako sa pagtulog kaya tumayo na ako. Mag lalakad-lakad muna ako. Sigurado aantukin din ako mamaya. Pinihit ko ang doorknob ng mahina dahil ayokong makalikha ng ingay. Saka ako lumabas pagkabukas nito at sinarado din ng dahan dahan. Paglabas ko. Ang daming mga nagbo-bonfire sa ilalim ng buwan. Maganda pala rito sa gabi. Muntik pa akong matumba ng di ko napansing may nakabangga na pala ako kakatingin sa mga nagbobonfire. "Its you.. " Hindi ko mapigilang mapangiti. Si Polo. Sabi ko na e sya ang destiny ko. "Ano sama kana? " Ngumiti ako. "Sure.. " Hinawakan nya ang kamay ko. Saka hinatak nya na ako paalis. ***** "BUTTOMS UP BUTTOMS UP! " Andito kami ngayon sa isang private resort, katabi lang ng resort ng tinutuluyan namin. At ito ako ngayon nakaupo sa nakapaikot ng mga tao. Habang may bonfire sa harap. Naglalaro kami ng truth or dare. "Talo ka. Uminom ka na.."wika ko kay Polo ng hindi nya nagawa ang dare na maghubot-hubad sa harap ng lahat. Kaagad naman nyang ininom ang isang bote ng beer. Pinaikot na ulit ang bote, pero nagulat ako ng tumapat na ito sa akin. "Sinong crush mo? "tanong sakin ni Polo, sya kasi ang napiling magtanong. Tahimik lang yung mga kasama namin. "Ikaw... "sagot ko. Medyo nahihilo na rin ako. Nakakailang rounds na kasi yung laro at ako palagi ang di nakakadare kaya ang ending iinom ako. "Really? "Nakatawa pang wika nya. Dahil truth ang sinagot ko pinaikot na ulit nila ang bote. Nagulat nalang ako ng umikot nanaman ito. At ako nanaman ang napili. Napansin ko na excited ang mga yun sa mangyayari. "Then... kiss your crush right now? "wika ng isa sa nagtatanong. Hindi ko maintindihan pero namula ako ng humarap ako kay Polo. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Saka pumikit. Iam gonna----smooch! Bat parang ang tigas ng labi nya? "Bodyguard? " Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang likod ng palad pala ng baklang yun ang nahalikan ko. Panira ng moment? Kainis! SWITCH.GROOM
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD