1:BIRTHDAY SUPRISE

1328 Words
HER POV: "Anong okasyon Dad? Bat kailangang naka suot ng formal wear? " Para akong tanga dito na pilit na hinahatak pababa ang gahitang dress na pinasuot sa akin nila mommy and Daddy. "Birthday ngayon ng kababata mo anak. Kilala mo si Glamour? " Pagkabigkas palang sa akin ng pangalan nito ay napicture ko na ang itsura nito. "Ah yung baklang anak nila Mr Madrigal? " Pinandilatan ako nila Daddy ng mata, naks! Sabay pa talaga ah. "Feminine lang yun. Hindi yun bakla."Giit ni mommy na tinataasan na ako ng kilay. Feminine pero nakita ko naka pink lipstick sya noong isang araw. Mas malandi pa yun sakin no. Syempre hindi ko na sinabi, mamaya sermonan pa ako e. Nasa kotse kami ngayon. As usual babaeta ako ngayon,pero sa totoo lang kating kati na ako sa suot ko. Back to Glamour tayo. Tandang tanda ko pa dati, naging friends ko yun e,kong hindi lang nya inagaw ang barbie doll na nilalaro ko noon friends pa sana kami ngayon. Ingetera pa naman yung baklang yun. Naging classmate ko yun noong elementary sa private school tapos naaccelerate. Bakit ba kailangan pa naming puntahan yun? "Malapit na tayo.. "wika ni Dad. Kainis oh. Manonood pa ako ng crash landing on you e. Maya-maya tumigil na ang sasakyan. Bumaba na kami doon . Sa pagbaba ko naka redcarpet na yung daraanan tapos may mga decorations na redroses sa both sides Swak na swak talaga kay bakla. Pumasok kami sa loob ng venue. Isa syang hotel at maraming white tables na may mga VIP guest. Yung iba kasi kilala ko e. May senador, may gobernor, businessman ang dami nila. "Thank you for coming to this important event. Allow me to introduce myself. Iam Diosdado Madrigal the father of Glamour Madrigal." Nakatingin lang ako sa late 50's na lalaki na hawig ni Glamour. Kamuka nga nya ang papa nya. Nagpalakpakan silang lahat sumunod na rin ako. Hindi ko na pinakinggan yung iba pang sinasabi dahil nangangati na talaga ako sa pinasuot sa akin. Ang tagal naman matapos ng speach ni tatang? Aalis na sana ako ng higitan nalang ni mommy ang braso ko. "Stay still. Dont be rude. Makinig ka sa speach... " Nakasimangot naman akong humarap doon. Ang boring kaya.. "...And one thing...its double celebration... my son is about to get married.. " Hanep kaninong lalaki naman kaya sya ikakasal? "Glamour come here.. " Nag gesture yung Dad ni Glamour sa mismong tabi at nagulat pa ang lahat ng paglabas nito ay nadapa pa ang loka. Buti nga. "Yes Dad.. " Hanep macho ah. Pumunta na sa stage si Glamour at ibinigay naman ng Dad nito ang microphone. "Im so happy that you guys are here, to celebrate my birthday, and Iam so sur---happy to announced that Im getting married.." Kabi-kabila na ang bulong bulungan mukhang ilaladlad nya na ang kapa ni Darna ah. "Andito sya ngayon e. " Tinuro nya ang harap ko,and that was a waiter. "Ako? " Turo pa ng waiter sa sarili. Pinaisod nya ang waiter at napatulala nalang ako ng bigla nalang umilaw sa harap ko ang spotlight. "Shes my soon to be wife... " Anak ng.. Seryoso ba siya? **** "Mga bata pa po kami. Marriage is not for the both of us. Marami pa po kaming gustong gawin sa buhay at isa pa, hindi ko po sya type... "walang putol na sabi ko kaharap ang mga parents namin.Kami nalang ngayon sa mansyon habang tong baklang to parang ewan lang na kain ng kain ng steak.Patay gutom lang? "How about your opinion Glamour? "sabad ni Dad kaya naman tumingin tong baklang to kay Dad. "Actually may point sya,sir.We are not made for each other and not even destined...."sabi ng loko nung pansamantalang tumigil sa pag subo ng isang slice ng beef meat. "Exactly, hindi kami bag----eh? .. " Naputol ko nalang ang sasabihin ko ng sumabat nanaman ulit sya. "...pero we can work it out. " Napanganga ako.Naririnig nya ba ang sinasabi nya? Tumingin ako rito pero nginitian lang ako. I just clenched my teeth. "Ang cute nyo.. "Komento ni Mr Madrigal. "See you can work it out."Tapik ni Dad sa akin at inis ko namang inalis ang mga kamay nito. "Pero Dad, mom? "Mangiyak ngiyak na wika ko pero parang bingi lang ang mga yun. Tuwang tuwa pa ata sa nangyayari. "The wedding is already set so dont be stubborn baby..."Saad ni mom. Kong naset na pala, bakit kailangan pa ang opinyon namin. Ano kaya yun? **** Ako na yata ang pinaka malungkot na babaeng ikakasal. Suot ko ang trahe de boda habang naglalakad sa red carpet. Beach wedding pa ang napiling venue kaya lapot na lapot na ako sa sobrang pawis. Nagpalakpakan pa ang mga bisita habang kasabay kong naglalakad si Daddy papunta sa baklang yun. Kong sana binuko ko nalang na bakla sya. Hindi na sana kami magkakaganito. Hindi na sana ako matatali sa mortal enemy ko. Aish! Kada hakbang ko. Gusto ko na sanang humakbang pabalik. Feeling ko papunta na akong empyerno. Sakto ang init pa naman ngayon. Tumunog na ang wedding song at ilang minuto pa malapit na ako sa kanya. Ano kaya kong tumakbo nalang ako palabas o di kaya naman ibunyag ko sa lahat ang itinatago nya. Aish. Kong may lakas loob lang sana ako. Ayoko rin namang makasakit ng kapwa. Hinawakan nya ang kamay ko pero pasimple ko itong tinanggal. "Do you take, Helga delos Santos your lawfully wedded wife, to have and to hold. From sickness and in health till death do you part? " Mag no ka! Hoy! "Yes father...I do" Napapikit ako sa inis. "You Helga, do you take Glamour Madrigal, to be your lawfully wedded husband. From sickness and in health, from richer and for poorer till death do you part? " Bat parang ang haba ng speach sakin ni father? Lumingon muna ako kila Dad. Kila mom. Kay Mr Madrigal na ngiting ngiti at sa asawa nito. "NO.... " Napatayo bigla sina Dad kitang kita pa ng dalawang mata ko kong gaano nya ako tignan ng masama. "No problem father syempre yes"Nakangiwing wika ko na. ***** "Magbihis kana!" Mahinang wika ni Glamour ng pumasok na sya sa kwarto namin. Tapos na kasi ang kasal kaya, kasama ko na sya ngayon sa cottage na tinutuluyan ko. "...Nabaliktad na ba ang earth kasi, pumapatol na kayo sa mga babae? " Hindi nya ako nilingon. Patay malisya ang loko. Tumayo ako mula sa kama at hinigit ko ang braso nya. "What the hell?" "Umamin kana, tayo lang naman e. Bakla ka diba? Bakit kailangan mong magpanggap na lalaki huh? Takot ka sa dad mo no? " Napangisi sya at saka inalis ang kamay kong nakalagay sa braso nya. "Your nonsense... Tabi! " Akala nya ba susuko ako. Hinding hindi ako papayag na matali sa kanya habang buhay. Ngayon palang iisa-isahin ko na sya para may laban ako sa annulment namin. "Kiss mo nga ako? " Natigil sya dahil sa sinabi ko. Lumingon sya sa akin at napapangiti. "Iam not on the mood... "sagot nya. "KISS MO NA AKO! Patunayan mong hindi ka bakla.. " Tinawanan nya ako. Confident pa naman ako dahil kilalang kilala ko sya. Mayamayay nawala na yung ngiti nya at biglang sumeryoso. "Hinahamon mo ba ako? " Napaawang na ang labi ko ng unti-unti nyang in-anbutton ang suot nyang white polo. Exposing his white complexion skin. Nawala ako sa composure ng bigla nya akong hatakin palapit sa kanya. "Kiss... why not doing it more than that... " Kumabog bigla ang dibdib ko ng tinignan nya ako sa mga mata pababa sa dibdib ko. "Teka joke lang, to naman!"Nangingiti kong sabi. Pilit ko syang itinutulak palayo pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. "Honeymoon night right, pagbibigyan kita ngayon..." Itinulak nya ako sa kama while undressing himself. Doon lang ako nagkadahilan para tumakbo papasok sa cr. Juscolored. Nasapian ba si bakla? SWITCH.GROOM
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD