Hila-hila ni Nicco ang kamay ko, nakayuko lamang akong nakasunod sa kanya palabas ng condo unit ni Nathan , nag-angat ako ng tingin sa kanya ng dahan dahan itong tumigil , hinubad nito ang suot na hoodie Jacket leaving his white shirt inside at isinuot ito sa akin. Nawaglit na sa isipan ko ang suot ko, it was Nathan's clothes , wala rin akong suot na kahit anong underwear . Pagkasuot sa akin ng jacket nito ay sya na rin ang nagzipper , hanggang hita ko lamang ang jacket ni Nicco, maluwang sa akin , natatakpan nito ng buo ang damit ko sa loob , inayos nito ang buhok ko at tinipon sa gilid ng aking leeg bago itinaas ang hood ng jacket at isinuot sa aking ulo,siguro para matakpan nito ang mukha kong luhaan. Hila-hila pa rin ako ni Nicco hanggang sa makasakay kami sa kanyang kotse, ito na ri

