Di na ako nakatulog haggang sa magbukang liway-way, di mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina hanggang sa napabalikwas na ako ng bangon, kailangan kong maging okupado ang isip upang mawaglit kahit sandali ang mga eksenang bumabagabag sa akin ngayon kaya naisipan ko na lamang na magtrabaho kahit masyado pang maaga. Bumangon ako at pumasok sa banyo upang maligo , pagkatapos ay nagbihis. Subukan kong iwasan si Nathan kahit alam kong imposible dahil nasa iisang bubong lamang kami.Pagkatapos ng nangyari ay d ko alam kong paano sya pakikiharapan , bahala na, di ko man ito maiwasan habambuhay atleast delay it , haharapin ko sya whenever im ready, sana totoong lasing ito at di nito maalala kung ano man ang nangyari kanina but i doubt it. Nang matapos ayusin ang sarili ay naglakad na ako papun

