Chapter Thirty Eight Charm's POV Namamaga na ang mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak kagabi. Aldred is leaving. And he's leaving with Cynthia. Sobrang bigat sa dibdib. Hindi ko pa siya kayang harapin pero gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na magsabi sa akin. Umaasa ako na sasabihin niya sa akin ang kanyang plano. Na nabigla lang siya sa pagpayag kay Cynthia. Umaasa ako na kapag nakita niya ako, magbabago ang desisyon niya. Umaasa ako na mas pipiliin niyang mag-stay sa akin. ‘Magkita tayo sa open field. 6AM’ I left that note in his room dahil alam kong mahirapan na naman akong kontakin siya. He's not yet home. At tila pinapatay ang ng pag-iisip na maaaring magkasama sila ni Cynthia. It's 12AM, sana ay nagkakamali lamang ako ng hinala. Kahit malamig ang simoy ng hangin sa madali

