Chapter Thirty One Charm's PoV Exactly 12 noon nang magising kami ni Aldred at parehas na kaming nagugutom. "Let's take a shower first before we eat lunch, aye?" sabi niya sa antok na antok na tinig. Tumango ako at bumangon na. Ganoon din si Aldred at lumabas na para bumalik sa kanyang kuwarto. Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Pero pagdating ko sa kusina ay naroon na si Aldred at nauna pa sa akin. Ipinaghila niya ako ng upuan and I smiled. Kahit ang simpleng bagay na ginagawa niya, malaki ang impact sa akin. "Let's eat?" sabi niya at naupo na. Naging mabilis lang ang tanghalian namin ni Aldred. Parehas kaming excited sa paglilibot sa paligid ng Salazar Paradise. Excited akong makasalamuha ang ibang taga-rito. Pero siya ay excited daw dahil excited ako. Puwede ba 'yon? Katulad

