YELL'S P O V " Gipit pa nga kami ngayon eh, sa sweldo na lang natin! " reklamo ni Nosgel, tahimik lamang akong kumakain. " Ikaw, Tin tin, sasama ka ba? " baling na tanong naman ni Ryegunn sa isang kaibigan ko pa. " Eh, . . . kapag sasama silang dalawa, go na rin ako! " wika n'ya sabay salitan nang tingin sa aming dalawa. " Ikaw, Yell . . . . join ka ba sa amin? " tila nag- aatubili pang usisa ng binata sa akin, dire- diretso lamang kasi akong ngumuguya na tila hindi ko sila napapansin. " Hindi eh! Silang dalawa na lang, marami kasing trabaho sa bahay. " malumanay ko namang tugon sabay inom ng tubig sa baon kong water jug na maliit. Kaya hindi ko napansin ang simpleng tinginan no'ng tatlong kaharap ko. Lunch break ulit namin dito sa Bukirin, hindi pwedeng lumusong si Tatay dahil m

