Dumating ang gabi at hindi nagpakita kahit anino ni Zeke sa bahay, ilang oras akong nag antay hanggang sa nakatulog ako at ginising akong muli dahil sa pagtunog ng cellphone ko. “Hello Krys?” boses ni August ang nadinig ko mula sa kabilang linya, napatingin pa akong muli sa screen ng aking cellphone ko para siguraduhin kong sino ang tumatawag. It’s Zeke’s number. “Yes. August is this you?” “Yes its me. Ano kasi… Lasing na lasing si Zeke pwede mo ba siyang sunduin dito? Esesend ko ang location namin ngayon. “ “Oo sige papunta na ako.” Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako nag palit ng damit nag sapaw na lang ako ng long coat sa soot kung lingerie. Hindi pa ako nakakababa sa taxi ay agad kong tinawagan si August, hindi niya pa nasasagot ang tawag ay nakita ko na siya agad sa labas

