Suot na ni Shan ang kanyang toga, ito ang araw ng kanilang pagtatapos sa highschool. Kaya naman sobra siyang excited dahil nagbunga na rin ang paghihirap sa loob ng apat na taon.
"Shannica, anong oras na malilate na tayo sa graduation natin, bat ba ang tagal mo?" panenermon ng kaibigan niyang si Abby. Alam niya naiinis na ito dahil binaggit na ang buong pangalan niya ma malimit lamang nitong sambitin, kapag galit lamang.
" Ito na nga palabas na, inantay ko pa kasi si papa, humiram pa ng susuoting polo kay tito Danny" paliwanag naman niya sa kaibigan para mawala ang inis nito.
"Mauna na tayo baka mamaya pa yun, ang mahalaga nandoon na tayo bago magsimula, ikaw pa naman ang top 1 tapos ikaw pa mahuhuli" pahayag naman nito sa kanya
Gaya ng suhestyon ni Abby nauna na nga silang nagtungo sa eskwelahan nila upang doon nalang hintayin ang ama na siya magiging escort niya pag akyat na stage.
Kay sayang balikan ng alaalang iyon para kay Shan, iyon ang huling beses na nakaramdam siya ng kasiyahan. Malayo sa buhay na mayroon siya ngayon. Mahirap man ang buhay nila noon, ika ng kanilang mga kapitbahay sa dati nilang tinitirhan isang kahig isang tuka sila pero masaya naman ang pamilya nila. Hindi tulad ngayon na sagana nga sila sa material na bagay pero para naman silang may malaking pader na nakaharang sa isat isa. They seldom eat together and talk with each other. A total stranger.
Nasa veranda siya ng kanyang kwarto habang nagbabalik tanaw sa dati nilang buhay. Malayo na nga ang narating niya pero ewan ba at pakiramdam niya may kulang parin at hindi siya buo. Feeling niya nakagapos siya sa kadena at walang kalayaan. Nabubuhay siya sa dikta ng camera, fans, family and friends niya.
Ng makaramdam ng antok nagpasya na siyang pumasok sa silid at humiga sa malaking kama niya. Another day had past yet still the same routine, bahay, taping, guesting and fan meeting. Ganun ang buhay niya sa loob ng dalawang taon.