Maingay at magulong paligid katulad ng kanyang buhay at puso na ngayon ay masalimuot. "Welcome back to Manila self! " Ang tanging sambit niya sa kanyang sarili habang bumibyahe galing airport papuntang tagaytay. Sa mansion ng asawa niya. Doon na muna sila mananatili habang inaayos pa niya ang company ni Luke. She plan to stay in Manila. Ayaw naman niyang manatili sa bahay nina Luke. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang kanyang tatlong anak. Napagod nang husto ang mga ito sa biyahe. Isang van ang sumundo sa kanila na pag-aari ng magulang ni Luke. Mabait naman ang mga biyenan niya sa kanya. Kaya naging malapit rin siya sa mga ito. Alam ng mag-asawa kung gaano siya kamahal ni Luke dahil simula nang mawala siya sa buhay nito dati ay halos hindi na raw ito pumasok sa company at nilunod n

