Karol's POV "'Nay, andito na po kami!" Masiglang bati ni Kuya TJ na siyang nagpatiunang pumasok sa kuwarto ni Nanay. Ni hindi man lang siya kumatok or ano man upang ipaalam na papasok kami sa loob ng kuwarto niya. Napa-iling na lang ako. Kahit kailan talaga ito! Muntikan na akong mabangga at matumba dahil dumiretso lang din ako sa pagpasok. Pero huminto pala si Kuya TJ sa may pintuan na para bang gulat na gulat siya at hindi ko iyon namalayan. Mabuti na lamang ay hindi ako natumba. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Bakit ka tumigil diyan, Kuya?" Tanong ko habang hinihimas ang noo kong tumama sa likod niya.Tumama kasi noong huminto siya at ako naman ay walang preno kaya ito. Hindi naman siya sumagot at napansin kong para siyang nanigas at napako sa kinatatayuan niya. Nakatitig la

