Chapter 1 - PDBWYJ

4369 Words
—————————————x Chapter 1: Pleasure doing business with you, Jules. Jules' POV Hanggang ngayon ay naka-nanga ako sa harapan niya. Did he just say that I have to pay him with my body? Hell no! Tatayo na sana ako at babatukan siya kasi baka mamaya ay nababaliw lang 'tong lalaking 'to, tsaka ako magwa-walk out sana kaya lang ay he caught my wrist in his hand. "Anong drama 'yan?" Iritang tanong niya habang igini-guide ako paupo ulit gamit yung right hand nya. "Anong anong drama 'to'?! Are you f*cking insane or what?! No way in hell am I gonna pay you with my body!" Singhal ko sa kaniya. "Let me elaborate, Julian Montemayor. Hindi mo kasi ako hinayaang tapusin, nag-react ka ka agad. Tss." Sabi niya kaya kumalma muna ako. Kung makapag-sabi naman kasi na "pay with your body" jusko! "Here's the contract, you read that and sign while I state my end of the bargain." Sabi niya at ibinigay sa akin ang papel na kanina pa niyang hawak. Nakita ko tuloy na magflex ng kaunti ang muscles nya. Haaay. Kinuha ko naman ang contract at sinimulan iyong basahin. "I actually prepared a long term contract. Hindi lang sa akin, pati na din sa Sapphire Publishing Co. I already got the okay from the boss so there shouldn't be any more problems with regards to that." Sabi niya habang ako naman ay nagmu-multi-task na nakikinig at nagbabasa ng contract. Kailangan ay basahin ko itong mabuti at intindihin dahil ako ang kawawa pag pumirma ako at hindi ko nagawa ng maayos ang work ko, may fine na humigit-kumulang na fourty thousand pesos. Grabe naman, bakit ganito kalaki ang fine? "That contract will be effective starting today after you sign them, up to a year, depends kung gaano ka kahusay sa work. You will only be handling me and my works as your author." Sabi pa nya. Ha?? "What do you mean?" I asked confused. "That means, starting today, you are an editor signed under Sapphire Publishing Co. And you will be handling me as your very first signed author." Haaaaaah??? "P-pero di ko alam kung paano mag-edit?? Paano 'yon?!" Medyo nagpa-panic na sabi ko. "Dumbass, syempre tuturuan kita. Everything you learn, you learn by doing." He said and smirked at me. Ha??? Pano niya naman ako tuturuan?! Marunong ba 'tong lalaking to na mag-edit?! "Wait, wait, wait," sabi ko nang mabasa ang mga kasunod na paragraph sa contract "I-I have to move here?! At anong maglilinis ako at magluluto, at tutulungan ka sa work mo?! May pasok din ako sa school!" Reklamo ko. Napabuntong-hininga siya at nag-start syang i-pinch ang bridge ng nose nya. "Listen, you have to live here para may 24/7 access ang Sapphire Publishing Co. sa akin when it comes to the manuscripts. Kailangan mo ding tumira dito, para gumawa ng gawaing-bahay, and help me to my work kasi, remember? My left hand and arm is injured, don't tell me pagta-trabahuhin mo ako while I'm in this state?" He said showing me his injured arm. "Ibig sabihin, I'll be a slave that'll have to answer to your beck and call?!" I asked. What the heck?! "Oh yes. That's to compensate for the troubles and injury that was caused by the accident. Kahit hindi ka marunong magsulat at mag-edit, I'll be there with you every step of the way. I have arranged for you family to live next door too, at ako na din ang bahala sa gastos ng mama mo sa hospital. So wala ka nang aalalahanin, hindi ba?" He said, smiling innocently at me. Innocent my ass, hindi gano'n ang tingin ko sa kanya 'no! Pero bakit kasi ang ganda ng ngipin nya, color white and may pangil pa s'ya sa magkabila. Then his smile. He has dimples on both cheeks na hindi ganoon ka-pansinin dahil sa stubbles pero ang cute pa din! And his cleft chin /chin dimples too! Oh my! Shit, snap out of it, Jules! Tine-tempt ka lang niyan para madali kang mapapayag! Pero kahit na, ang ganda ganda ng offer oh, tatanggihan ko pa ba siya?? Still, hindi ka naman ganoon ka-mukhang pera para mag-jump agad sa deal 'di ba? But think of it this way, I may become worked to the bone with classes and this asshole's work offer too, pero hindi ba 'pag tinanggap ko siya, mas makakaluwag-luwag naman tayo at mas makakatulong tayo kay nanay? Hindi na din tayo mahihirapang suportahan ang mga kapatid natin sa pag-aaral 'di ba? I feel so conflicted. Naka-state pa dito sa contract na thirty-five thousand pesos ang suweldo every month 'pag nag-sign ako ng contract under Sapphire Publishing Co. and under this freaking greek god of an asshole. Haaaaay. "If you want, I'll give you some more time to think. You may now go. Nasa reception na sa ground floor ang driver so you won't have to worry about the transportation fee." Sabi nya na ikinagulat ko. "Sure ka ba diyan?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya. "Yeah, you may now go." He dismissed me immediately. Baka magpapahinga na siya. Tumalima ako at lumabas na ng apartment. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa elevator ay nakita ko na agad ang driver kanina. Ini-muwestra niya ako na sumakay sa kotse and I did so nang tahimik lang. "Sir, saan po tayo?" Magalang at malumanay na tanong ng driver. "Sa #26, Yakal street po sa may ***** heights." Sabi ko. Habang nasa biyahe ay patuloy pa din ako sa pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Nang makarating kami sa kanto ng street namin ay sinabi ko kay kuyang driver na ibaba nalang ako dito. Mahirap na, baka ma-hold up pa si Kuya. At dahil hapon pa, marami pang chismosa sa kalye at marami pa ding mga basagulerong tambay sa labas, ang iba ay nag-iinuman pa. "Aba, ang anak ni mareng Virginia, may naghatid pa!" "Oo nga, mukhang mayaman ah." "Balita ko, since naisugod sa ospital si Mareng Virginia, naghahanap na ng trabaho yang si hulyo!" "Ay mga mare, hindi kaya nagbebenta na ng laman iyang batang iyan? Sa itsura pa lang ng naghatid sakanya ay parang jackpot na eh!" Sabay-sabay pang napa-singhap ang mga ito. Napa-irap tuloy ako. Wala ba silang magawang iba sa buhay nila? Kendi? Ayaw ba nilang kumain ng kendi o bubble gum para naman hindi nila pinaa-andar iyong mga bibig nila habang naglalaba sila, nagbibingo or nagma-mahjong? Hay naku! Dito talaga sa amin kahit kailan hindi na nawalan ng mga chismosa! Tumungo nalang ako at binilisan na ang paglalakad pauwi sa bahay namin. Hindi kami mayayaman dito sa Yakal Street, pero hindi naman din ganoon kahirap to the point na matatawag itong squatter's area itong lugar namin. "Karol, TJ! Nakauwi na ako!" Masiglang bati ko sa kanila. Agad naman nila akong sinalubong ng kiss at yakap. Dito sa bahay na 'to, hindi pwedeng hindi ka masaya. Dapat kahit malungkot ka, masaya ka pa din, kasi ako ang tumatayong guardian ng mga kapatid kong ito. Simula nang ma-ospital si nanay at iwan kami ni tatay. "Kuya, buti naman nakauwi ka na! Kamusta ang job-hunting kuya?" Masayang bati sa akin ni TJ. "Naka-score ka po ba, kuya?" Tanong naman ni Karol. Napalabi ako. "U-uhm, oo naman! Ako pa! Huwag kayo mag-alala, magaling ang kuya niyo kaya't heto, bagong hired lang ako!" Pagsisinungaling ko. Parehas naman silang napa-buga ng hangin. "Bakit? Ano'ng meron?" Nagtatakang tanong ko. "Ako po kasi, kuya may projects po na babayaran sa school," sabi ni TJ habang nakalabi naman si Karol "Ako naman po kuya may outbound po ako, eh may bayad din po. Gusto ko sana sumama kaya lang kung wala naman po tayong pambayad ay okay lang din naman po." Sabi naman ni Karol. Hala! Eh pano ko kaya sasabihin sakanilang— "Kuya sabi din po ni Mang Celio, na 'pag hindi pa daw po tayo nakabayad sa renta, papalayasin na daw po niya tayo dito." "Tapos kuya dumating na po yung bill ni nanay sa ospital, kailangan na din daw po bayaran kung hindi ay 'di na din daw po siya magagamot" Malungkot na saad ni Karol. Bigla namang sumakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Wala pa nga akong pera, sunod-sunod naman ang bill na dapat i-settle. Pwede ba munang huminga? Haaaaaay. "Sige, mamaya ko na aasikasuhin iyang mga iyan okay? Magpapahinga lang saglit ang kuya, ha?" Paalam ko sa dalawa. They both shared looks of worry pero after reassuring them, ayos naman sila. Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa ng pants ko at ini-dial ang telephone ni Vincent Saavedra. After three rings ay sumagot na siya. "Saavedra. Who's this?" Tanong niya. "Saavedra, Montemayor. Tinatanggap ko na ang offer. When do I start?" Sagot ko at halatang nagulat siya dahil siguro hindi nya expected na tatawag ako agad. "Well, what a pleasant surpise. Ikaw, kung kailan mo gusto." Sabi niya. Okay. "Okay then, tomorrow I'll start." Sabi ko. Nag-agree naman siya. And even though my cheeks are burning in embarrassment and shame, I still asked "Can I ask for a favor though? Vince." Panimula ko. "Anything." He immediately replied. "I need my salary right now sana, pwede bang mag-cash advance and I'll repay you whenever na makapag-ipon ako?" "Okay, i'll wire you the money." Sabi nya. Wow ganoon lang iyon kadali? Hindi kaya wala sa tamang pag-iisip itong lalaking ito or di kaya nasapian ng mabait na espiritu? "Thank you so much! Babayaran talaga kita!" Sabi ko. "No, thank you. Pleasure doing business with you, Jules." Iyon lang ang huling narinig ko bago ang dial tone. Weird. **** Vincent's POV Kakatapos ko pa lang sa conversation ko kay Julian nang may mag-doorbell, kaya't kahit tinatamad na akong magkikilos ay pinuntahan ko na ang pintuan at pinagbuksan ang taong nangi-istorbo sa akin. "Hey, Vince! I heard about your accident, nag-alala ak—" Walter stopped in mid-sentence nang makita ang braso't-kamay ko. I shrugged and let him in. Nang i-lead ko siya sa sala, napaupo siya sa sofa na kanina lang ay inupuan ni Jules. "What?" I asked nonchalantly. Bakit ba kasi nandito nanaman itong lalaking ito? "G*go, akala ko talaga ay matitigok ka na gan'on!" Sabi ni Walter. Nakatingin pa din siya sa mga braso't-kamay ko. Walter Nuez is the CEO of Sapphire Publishing Co. He's been my friend since high school too at siya ang naka-discover ng talent ko sa pagsusulat. I don't have ill feelings for this asshole, sadyang hindi ko siya trip most times since he's so nosy. "What're you looking at?" I asked nang hindi pa din niya alisin ang tingin sa mga braso't kamay ko. Napailing siya at natawa. "Luh? Baliw ka na, man?" I asked again, slightly feeling pissed. "Alam kong gwapo ako kahit na ganito ako ka-haggard." "No, I mean seryoso ka ba dyan, man? What are you thinking when you told me you hired someone? Sure ka ba talaga doon? Baka mamaya may concussion ka lang kaya ka ganyan ha!" He continues to ramble. See what I mean when he's annoying and nosy? "I am, by the way, bukas ko na maibibigay ang contract. I also want you to pull out some of the editors assigned for what little of my work left. Ayokong naiistorbo." Sabi ko, habang nagsisindi ng sigarilyo. "Vince, man, I let you do your things most of the time, kahit na may say ako dahil you work for me. Pero anong drama 'to, 'tol? I need a valid reason for this. You're not usually like this." He face-palmed. Siguro dahil sa ilang beses na akong nag-take ng break from writing. "You know me too well, bro. But I don't really know. I just woke up this morning and suddenly, I have nothing to write. I felt like I hit a wall." Sabi ko kahit na alam kong alam din ni Walt na hindi iyon ang tinutukoy niya. Napahithit ako ng cigar when I saw him wince and shake his head. "That's not what I'm talking about, dummy!" "What I mean is, ano ito? Kung hindi ka naman makapag-sulat, I can just give you a paid leave, then when you come back tsaka kita babawian. Pero bakit pinapa-pull out mo halos lahat ng editors mo? At bakit ka magha-hire ng neophyte pagdating sa ganitong bagay? Vince, you're not an irrational person pero bakit ganito?" He sighed. "There's something about that boy, Walt. I feel like kapag kasama ko siya nagkakaroon ako ng inspiration sa pagsusulat. I mean it." I replied, leaning back and taking a long drag before letting it out. "Please tell me it won't end up like what happened 4 years ago. I don't want to deal with the consequences again, Vince." This time, ako naman ang napa-ngiwi. Pinatay ko iyong sindi ng cigar and I picked up my mug of coffee sa center table with my left hand. "I can't promise you that it won't happen again, but I can assure you that I'll do everything that I can to prevent that from ever happening again." I said with conviction as I took a sip from my coffee. Kanina pa naka-sling ang left arm ko at naka-fake cement, nangangalay na ako kaya't tinanggal ko na siya agad once Julian left. "Then clean up your act, man. You're ambidextruous and hindi naman talaga bali iyang left arm mo, baka mamaya mabuking ka pa niyan. Hahahahaha!" Walt said taking the mug of coffee from my hands and taking a sip too. "Yeah, you're right." I smiled. "If he's going to start work, I still need to meet him." He said giving me an annoyed look. Syempre ini-hire ko si Jules ng ganoon-ganoon nalang at hindi naman siya dumaan sa Sapphire at basta ko nalang siyang ini-hire. "Ul*l, he's my editor, wala ka nang pake doon." Tinawanan lang ako ng lint*k. After a while, umalis na din si Walter. Nagsimula na akong magligpit. Itinago ko ang mga gadgets ko, at inilabas ang mga notebooks ko at ballpens. I threw everything we won't be needing in my spare bedroom na pinaglalagyan ng mga gamit na hindi ko ginagamit. I even hid my wifi connection. I guess, I really won't be needing the wifi for a while. Tomorrow, Jules said he'll start working, kahit na naglilipat pa siya pati ang pamilya niya sa kabilang unit. When I finished, I looked around the room. My unit now looks spaciously bare. Damn. Ano ba itong ginagawa ko? Was it worth all these trouble? Was Jules really worth all these troubles? I don't remember falling asleep after hours of thinking. Hindi ko alam, but I fell asleep sa sofa. It was a dreamless and peaceful sleep and to be honest? It's been long since I've had that. I usually sleep like a rock too, but for the first time in my life, nagising ako sa nakakarinding ingay ng alarm clock ko. At sa katok/doorbell na nanggagaling sa labas. Thinking it was Jules, I immediately went and put the fake cast on and the sling on my left arm. Then I answered the door. "Good morning! N-naistorbo ba kita?" Nahihiyang tanong ni Jules sa akin. Napansin ko din na namumula siya at hindi makatingin ng diretso. "Good morning, what's wrong?" Tanong ko sa kaniya. "U-Uhm, ang ganda kasing pambungad sa umaga. May palaman ka ba diyan? Nakaready na pala kasi ang pan de sal." Natatawang sabi niya at noon ko lang na-realize na wala nga pala akong t-shirt. I smirked. "I have a few selections inside, come in." Sabi ko while ruffling my hair using my right hand. Nakita ko naman na may dalawang bata sa likod niya. Sino itong mga ito? I looked at him questioningly and it was like he realized that he forgot something. "O-oh! Sorry, ito nga pala si TJ, tsaka si Karol, mga kapatid ko." Pakilala niya. I nodded and also introduced myself. "Thank you nga pala about sa unit tsaka sa cash advance. Babayaran talaga kita. Nag-breakfast ka na ba? I can cook for you. Siguro nahirapan ka kahapon dahil hindi mo maisuot ang shirt mo ano?" He continues, shooing his brothers to go back inside their unit. "How did you know?" I asked surprised. Nakangiti siya at tinuro niya iyong naka-discard kong shirt sa sofa. It dawned on me na may injury nga pala ako. Then an idea suddenly wedged itself in my head. "Yeah, i forgot that i'll be needing help with clothes too." I acted sheepish, scratching the back of my head. "Okay, i'll help!" Masiglang sabi ni Jules. Ooooh, this is going to be so much fun! **** Jules' POV Nang matapos kaming mag-breakfast ni Vincent ay nagpaalam muna siyang magc-cr. Mabuti nga't wala siya sa harap ko dahil hindi ko ba alam, kanina pa ang init ng pakiramdam ko noong kaharap ko siya. Idagdag pang wala siyang shirt at naka-balandra sa harapan ko iyong pandesal—este iyong abs pala niya. Hindi ko din naman siya masisisi or mapilit na mag-shirt, kasi nga may cast pa iyong braso niya. Alangan namang pilitin ko iyon, baka lalo pang masaktan iyong tao. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako titingin kanina. Kapag tumingin naman ako sa mukha nya, maiinis ako kasi ang gwapo niya, mas gwapo pa siya kesa sa akin. Tuloy habang kumakain kami hindi ko maiwasang mag-imagine. I shook my head to rid the thoughts. Napapa-facepalm nalang ako sa sarili ko grabe! "What are you doing?" Takang tanong ni Vincent mula sa likuran ko na siyang ikina-gulat ko. "AY BAKLA!" impit kong sigaw dahil sa pagka-gulat. He raised one delicate brow at me, I also see a trace of a smile at the edges of his lips, pero pinipigilan niya lang. I cleared my throat. Nakakahiya ka, Jules! "Bakla? Sinong bakla? Ako ba? Wala namang bakla dito ah?" Nagtatakang tanong ni Vincent. Putaragis ka, Jules! Patapon na kita sa Mars! "A-Ah e-eh, w-wala iyon. Wala naman akong sinabing bakla, ang sabi ko, baka!" Sana naman maniwala ka sa palusot ko ano? "Well, as I was saying we need to start working immediately because I have this plot in my mind, I don't want to lose it." Sabi ni Vincent na hindi naman pinansin ang sinasabi ko. "Saan tayo magwo-work? Tsaka paano pala ser kung hindi ko nagawa ng maayos iyong trabaho ko?" Kinakabahang tanong ko. Kasi nga diba, first time ko lang mage-edit at magsusulat ng manuscripts for this awesome author. Nagresearch kasi ako kagabi, ang dami na palang nahakot na awards nitong lalaking ito. Hindi lang iyan, marami na din siyang books na nai-publish at ang iba doon, kung hindi naging webtoon, ginawang movies or series. Natatakot ako na baka magkamali ako sa ginagawa ko tapos mas lalo ko lang siyang maabala or mas lalo lang akong maka-gulo sa kaniya. Syempre dapat maging maingat ako sa gagawin ko. "Follow me," sabi niya while caressing his cast. Parang kahit ako magiging uncomfortable kung may cast ako. "And why are you nervous? Are yiu doubting yourself na baka hindi mo magawa ng maayos ang work mo?" Napangiwi ako. Bisto ka agad, Jules! Ano ba iyan! "E-eh, oo kasi eh hehehe," I answered, no point in lying naman na. He sighed before facing me when we reached the top of the stairs. Mas lalo ko tuloy naramdaman na bansot ako at napaka-tangkad niya. Para lang akong nipa hut tapos siya para siyang isang malaking skycraper na condo. Insert pout here. "Julian, don't worry. Hindi ka naman agad-agad kailangang maka-perfect sa work mo. I know you're new to this and you still need guidance so you don't really have to worry about a thing rigt now." I found myself nodding along to what this guy says. Bakit ganoon? Hindi niya naman kailangang gawin iyon. Kasalanan ko naman kasi kung bakit nasa ganitong predicament kami ngayon at kung bakit hindi siya makakapag-sulat. Dapat nga ay mag-demand siya and he has the right to over work me, but here he is, being so kind to me, kahit na iba iyong first impression ko sa kaniya. "Okay, here we are. May office ako dito sa second floor. Dito tayo magwo-work." He said. Napatingin ako sa kwarto sa left. Nakasarado iyon, para saan kaya iyon? Nakaka-curious naman! "Para saang kwarto iyon?" Tanong ko. Napalingon siya doon at may kung anong emosyon ang nakita ko sa mata niya, but as soon as I saw it, it was gone, kaya hindi ko alam kung ano man iyon. "Red room, diyan nakalagay lahat ng mga s*x toys at pornos ko." He said wearing a poker face. Nanlaki naman daw ang mata ko don at agad akong pinamulahan. Red room?! ANG KINKY NAMAN NITONG HYPE NA TO! "And you're not allowed there. Lahat ng rooms dito sa unit ko na ayaw kong pakialaman ng iba is always locked, except the door connecting your unit to mine. I'll punish you if you enter any of those rooms, got it?" He said smirking at me. Eh bakit ang gwapo pag naka-smirk? Pinapasok niya ako sa isang kwarto na office ang style pero sobrang bare. May table, computer chairs, dalawa pang upuan sa harapan ng table at couch lang ang laman. Then at the back of the table, is a huge floor to ceiling window kung saan matatanaw mo ang maganda at mayamang part ng metro. Sa side naman, sa likod ng black leather couch ay isang malaking book case na samu't-saring mga libro ang laman. Wala man lang ibang ka-anik-anik dito or mga design man lang. Talagang bare na bare. Tapos napaka-manly pa ng kulay dahil kundi black, gray at white ang color ng walls at gamit. Pero ang ipinagtataka ko, may computer chair sa desk, pero walang computer. Nako naman! Itatanong ko na sana iyon nang iginiya niya ako at pinaupo sa may chair sa table at siya naman ay umupo sa harap ng table, sa left side. "Ser, anong gagamitin natin pang-sulat eh wala ka pong gadgets?" Curious na tanong ko. Usually kasi diba, kung writer ka sa gadgets ka magsusulat? Bakit ni isang gadgets ata dito wala? Wag niya sabihing sa phone ko niya ako papasulatin at papag-edit-in eh sira nga phone ko at luma pa, Cherry Mobile lang ito no! Tatskrin nga, bulok naman. Teka bat ba niyuyurakan ko sarili kong gamit? May kinuha siya sa kung saan at nakapag-produce siya ng isang notebook na malaki at ilang ballpens na color black, blue and red. Saan niya kaya kinuha iyon? Magic? Huwaw! Amajjing! "Here's my 'gadgets'. I will dictate everything and you'll write them in here. If you want me to repeat them, just raise your hand—palm up and I'll ask you what you want me to repeat, alright?" He instructed. Aba, kung dictation lang naman kaya ko iyon! Magaling kaya ako doon at matalas naman ang pandinig ko hehe After a few hours.... "—I missed you, Drew said. Jason nodded, a blush covering his face. No one knew who kissed who first but they're not complaining. It has been a few weeks now since they've last seen each other. It's no wonder that their usually gentle and sweet shared kisses became hungry, demanding for more. Jason moaned, clutching at Drew's shirt, desperate to be touched more, to feel more and to be filled once again after so long. They didn't know how long they were kissing, but when the need for oxygen arises, they both parted, panting and sucking as much air as they can. "—I really missed you," Drew said, panting. Making the latter blush more furiously. "—and I missed you too." "Are you hard?" "Huh?" I asked, startled by the question. Nag-angat ako ng tingin nang biglang magtanong si Vincent. Napa-angat siya saglit at bumalik ulit sa ine-edit niyang papers. Shit! Did he noticed?! Damn it hormones! I tugged my shirt in an attempt to hide my erection. Kanina pa ako actually tinitigasan dahil sa boses ni Vincent habang nagdi-dictate siya sa akin. I was really fascinated by the way he's narrating his story to me. It's not just because it's a yaoi/gay/boyxboy story either. Pero his voice sent shivers down my spine. It's deep, husky when need be and he's even moaning. God! I feel like I am being tortured dahil lang sa pagna-narrate niya. Hindi na nga ako halos makapag-concentrate sa pag-jot down ng mga dapat i-jot down eh! "Why did you stop?" Vincent asked, looking up from the papers he was also holding. It was the first few pages of the notebook. While he's dictating to me what he needs to be written, he's also reviewing the papers that I've written na. When he looked at me, his mouth formed an 'O' and it turned from that to his infamous smirk. I must have looked like an idiot. Kasi naman, kung titignan mo ako, I'm blushing, naka-hawak ako sa laylayan ng shirt ko just to hide my erection and naka-stop ang right hand ko sa pagsusulat. Gosh! "Don't be embarrased. I'm flattered that I can make you hard right now. Kahit hindi naman ikaw ang tinatanong ko," natatawa niyang sabi. Naman eh! "That means I'm an effective writer dahil kaya kong dalhin ang imagination mo just by dictating you what happens in my stories." And here it is people, naka-smirk nanaman po ang ating writer na para bang proud nga siya at ipinagmamalaki na tinigasan ako dahil sa story niya. Pero hindi naman talaga ako sa story tinigasan, sayo kaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD