Jules' POV
"—No, seriously, that's the only thing I kept a secret from you. And I am really so so sorry, Jules. Please." After ng mahabang explanation ni Vincent tungkol sa sikreto na inilihim niya sa akin ay pareha kaming natahimik.
Vincent's chest is heaving after continually explaining without taking as much as a breather aya it's no surprise that he's trying to catch his breath now.
Nakatingin lang ako sa kaniya and he's also looking at me too. Hindi ko alam pero kahit dati naman na naiinis ako or nagagalit ako ay pakiramdam ko ay napapagod ako. Hindi naman kasi ako yung tipo na nagho-hold ng grudge.
That doesn't mean na hindi ako nasaktan dahil sa ginawa niya. Ikaw ba naman ang lokohin for almost three months at pagsulatin ng mga scenes na nakaka-ewan na puro smut, tapos malalaman mo na nasulat na pala niya 'yon dati pa.
Isa pa, nasaktan din ako no, dahil nga marami siyang pagkakataon to come clean about this but hindi niya ginawa. He made me feel like a fool.
Isa pa, hindi naman niya ailangan ilihim to kasi syempre kahit naman na hindi niya kailangan gumamit ng petty at buwis buhay na trick when we first met. He should have just told me na may writer's block siya at kailangan niya din ng editor, kahit naman hindi siya napilay noong una kaming magkita ay talaga namang mago-offer ako ng help since makokonsensiya ako dahil sa nangyari sa kaniya. Tsaka hindi ba desperado din naman akong magka-work??? Haaaaay!
Vincent is looking at me like he's trying to gauge my reaction. He can see the gears turning in my mind.
"Well, doesn't mean I forgive you." Sabi ko. I saw him flinch at what I said.
"Please, tell me." Panimula niya. I waited for him to continue. "Tell me how can I make it up for you.
I smiled.
"Well, there's one way to do that." Sabi ko. Nagulat naman siya, making my smile widen.