Karol's POV Kasalukuyan akong nagluluto ng espesyal na sopas para kay Kuya Julian dahil hindi pa siya kumakain. At kapag hindi pa siya kumakain, hindi pa siya makakainom ng gamot. Kung hindi pa siya makakainom ng gamot, edi hindi siya gagaling agad. Kaya heto kami ngayon. "Teejong, makikisuyo naman ng garlic pati ng sibuyas." Sabi ko nang sa tingin ko ay mainit na ang mantika sa may Kalderong pinaglulutuan ko. Iniabot niya naman sa akin iyon agad kaya't nagsimula na akong mag-gisa. After ng isang minuto na tingin ko ay luto na ang bawang at sibuyas, "Yung giniling, Jongjay." Sabi ko. Iniabot naman niya sa akin iyon. Nang tapunan ko siya ng tingin ay binabasa pa din niya ang instructions ni nanay. "I-sangkutya mo daw yan Kuya tantiyahin mo daw po iyong patis, tapos kapag naluto na ang g

