Chapter 5

1359 Words
Alice “Last Friday, I found a cellphone sa table na inalisan ni Alice.” Sinamaan ko ng tingin si Lance, halos gusto ko siyang hiwaan ng tingin sa kapal ng mukha niyang mag-imbento ng kwento. Ang chill pa rin niya ha, nakasandal, relaxed, parang hindi siya kasalukuyang gumagawa ng last-minute invention para magdahilan sa nanay ko. “And you think na sa kanya ’yon?” tanong ni Tito Lemuel, bahagyang kumunot ang noo pero hindi galit, more like curious lang. “Yes. Wala naman kasing nakapwesto don bago siya umupo.” Nag-shrug pa siya tapos ngumiti ng konti; tangina, parang proud pa talaga. “May kausap ako kaya hindi ko agad naihabol sa kanya.” Grabe. Shet, nakakabilib at nakakainis. ’Yung tipong gusto mo siyang palakpakan sa creativity pero gusto mo rin siyang sampalin ng ID mo sa kapal. “Tinatawagan ko ’yon nung gabi pero wala namang sumasagot,” sabi ni Mommy, halatang nag-aalala pa rin. “I’m busy with my little rider kaya hindi ko napansin,” sagot ni Lance. “Little rider?” ulit ni Mommy, kita ko sa mukha niya ’yung genuine confusion. Bigla kong naramdaman ang bahagyang pag-init ng pisngi ko. Huwag mo ngang i-drop ’yung code word na yon dito, gago ka. “Ah, honey, ’wag mo na lang pansinin ’yon,” mabilis na awat ni Tito Lemuel. Kahit ako nakahinga nang maluwag. Mukhang gets niya agad ’yung double meaning. “Lance, pwede namang hindi mo idetalye. Sabihin mo lang na busy ka.” Lance chuckled lightly, parang pinaglalaruan lang ang sitwasyon. “Ah, okay. As I was saying, I was busy that night.” At sa kung anong dahilan, mas lalo lang akong naiinis sa pagiging effortless liar niya. Parang wala lang. Pakiramdam ko ay nakatayo ako sa gilid ng cliff na anytime ay pwede niyang itulak nang hindi sinasadya. “She can get it tomorrow,” dagdag pa niya, walang bahid ng kahit anong concern. “Hindi ba pwedeng ipadala mo na lang—” Hindi ko na natapos dahil sumabat na agad si Mommy. “Anak, ang sabi ng Tito Lemuel mo ay busy si Lance sa negosyo at ngayon lang may panahon.” Syempre. “Siguro nga ay mas maigi kung ikaw na ang pumunta sa opisina niya.” “Ho?” Napataas talaga ako ng boses. Nanlaki ang mata ko, like, literal. I swear narinig ko pa ’yung sarili kong heartbeat bigla. “Bakit? May problema ba? Busy ka ba bukas?” sunod-sunod niyang tanong, habang si Lance sa gilid ay parang nagpipigil ng ngiti. Putcha, parang inaabangan niya kung paano ako magpa-panic. “H-Hindi naman po…” halos bulong ko. “Kung ganon, pagkagaling mo sa school, bago ka pumunta sa part-time job mo, dumiretso ka muna sa opisina niya.” Wala na. Wala akong laban kay Mommy. Gusto ko sanang magreklamo, mag-explain, mag-drop ng subtle na Mom, delikado ’to… pero hindi pwede. “Alice?” tawag ni Mommy. “Y-Yes Mommy, puntahan ko na lang po bukas.” Namamanhid na ’yung kamay ko pero ngumiti ako para lang hindi mahalata. “Ibigay ko na lang sa iyo ang address mamaya,” nakangiting sabi ni Lance. ’Yung ngiti na parang inaasar ako. Tinignan ko siya ng masama, practically sinaksak ko siya gamit ang mata ko, pero sinikap kong maging pleasant ang mukha ko sa harapan nina Mommy at Tito Lemuel. Hindi pwedeng may mahalatang tension. Hindi pwedeng may clue sila na magkakilala kami and definitely hindi pwedeng mahalata na somehow, this man is becoming a problem I didn’t sign up for. Tangina mo, Lance… Bukas, wala na naman akong choice kundi harapin ka. Masyado akong na-te-tense habang bumabalik ako sa pagkain, kahit na halos hindi ko malasahan ’yung kinakain ko. Pakiramdam ko ang utak ko ay tumatakbo sa limang different directions sabay-sabay. Hindi ko alam kung paano ko maiiwasan ang sitwasyon lalo na ’yung pagkikita namin bukas. Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko para takutin ako ng universe nang ganito? Like, seriously. Karma ba ’to? Curse? Love spell gone wrong? At ang nakakainis talaga? Si Tito Lemuel pa ’yung nag-suggest ng “konting kwentuhan.” At si Lance, syempre, hindi tumanggi. Ngayon, nandun sila sa terrace, nakaupo na parang nag-eenjoy sa sarili nilang bonding time habang hinihintay ang kape na ako ang gagawa. Great. Parang ako pa ’yung personal barista sa love-hate nightmare ko. Nakapamaywang akong nakatayo sa harap ng coffee machine, titig na titig doon na para bang bigla na lang lalabas ang escape plan ko mula sa dispenser. Kung paano ako makakatakas sa kaguluhang ito? Wala. Blanco utak ko. Ang tanging malinaw lang ay ang katotohanan na ayoko siyang makita bukas. Ayoko. Pero gusto ko rin. Pero ayoko. Pero gusto ko. f**k. Hindi ako puwedeng magdahilan na masama ang pakiramdam ko. Si Mommy? OMG, sobrang paranoid. Konting “Mommy, sumasakit ulo ko”—hospital agad. Hindi ’yun biro. Kaka-isip ko ng dahilan para umiwas, parang nawalan ako ng sense of reality. Nasuntok ko pa ’yung air out of frustration. Kaya nagulat talaga ako nang biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko mula sa likuran, mainit, firm, possessive. Kasunod non ang dahan-dahang pagdikit ng mga labi niya sa punong tenga ko. “My little rider, miss me?” ’Yung boses niya? Fvcking kryptonite. Mababa, malambing, pero may bahid ng kapilyuhan na parang sinasadya niyang igapang ’yon sa balat ko. Napaigtad ako, hindi dahil sa takot—hindi talaga. Kung hindi dahil sa kilabot na may halong excitement. ’Yung tipong biglang nagising lahat ng nerve endings ko, nagpa-party sila ngayon. “W-What the—” Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Wala. Natabunan lahat ng utak ko ng init at panic. Pagharap ko sa kanya, ayun, wrong move. Sobrang wrong. Dahil hindi ko na naiwasang sumayad ang labi niya sa labi ko. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakadampi, pero parang kinuryente ako. Parang tumigil ang paligid at umikot nang sabay. Shet. Sobrang lapit niya. Ramdam ko ’yung init ng hininga niya, ’yung amoy niyang nakakaadik, at ’yung titig niya na parang kinakain ako nang buhay. At pinaka-masama? Hindi ko alam kung mas gusto kong itulak siya—o hilahin padikit pa. “What do you think you're doing?” Mahina pero matalim ang boses ko nang maghiwalay ang labi namin na parang nagising ako mula sa isang sandaling delubyo na ako rin mismo ang pumasok. “Kung ano ang ginawa natin last Friday,” sagot niya na parang wala lang. Kalma. Kalmadong-kalmado. Samantalang ako? Parang hinihila ang kaluluwa ko palabas ng aking katawan. “Nandyan lang ang Mommy ko pati na ang Kuya mo!” bulalas ko, halos pabulong pero may halong desperasyon. Gusto kong sumigaw, pero hindi puwede. Gusto ko rin siyang sampalin, pero baka lalo lang akong malagay sa alanganin. Lance leaned closer, ’yung tipong konting ikilos ko lang, lalapat na naman ang labi namin. Napahigpit ang hawak ko sa counter. “Tomorrow,” sabi niya, mababa ang tono at parang may tinatago pang ibang mensahe. “Get your phone in my office.” Tumigil siya sandali, nakatitig sa mga mata ko as if reading me or owning me. “Don’t play dumb.” Hindi ko alam kung utos ba ’yon o warning. “Come, or you’ll regret it.” Tinalikuran niya ako kaagad pagkatapos, walking away na parang nag-drop lang siya ng bomba tapos bahala na ako kung paano ako mabubuhay pagkatapos no’n. Pumasok siya sa CR, hindi man lang lumingon. Para akong naiwan sa gitna ng battlefield na walang sandata. Bigla akong kinabahan. Mas matindi pa kaysa kanina. Hindi ko ma-explain kung bakit parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ko habang sabay naman na may mainit na kumikiliti sa spine ko. Kukunin ko lang ang phone ko, di ba? Yun lang naman dapat, right? Pero habang pinapakinggan ko ang sarili kong heartbeat na parang lumalakas ng lumalakas. Habang naaalala ko ’yung tono niya, ’yung tingin, ’yung “Don’t play dumb”… At lalo na ’yung “You’ll regret it”… Parang napakababa ng chance na simpleng cellphone lang ang habol niya. Parang may iba pa. May iba pa siyang gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD